Mga Netizens Labis na Kinagiliwan ang Anak ni Jhong Hilario na Si Baby Sarina ng Magsuot Ito ng Darna Costume

Palapit na ng palapit nating marinig muli ang sigaw na “Darna!”, dahil lilipad na ngang muli ang Pinay Iconic Superhero.

Credits: Jhong Hilario | IG

Ilang taon ring hinintay ng marami sa atin ang paglipad muli ni ‘Darna’, at nang ibalita nga ng ABS-CBN na bibigyan muli ito ng bagong bersyon para sa henerasyon ngayon ay marami ang talaga namang na-excite.

Ang Pinoy superhero na si Darna ay talaga namang patok na patok sa mga Pinoy at marami ang talagang umiidolo sa kanya, at nakaka-relate sa kuwento niya. Bata man o matanda ay iniidolo talaga si Darna, lalo na’t kapag siya nga ay sumigaw na ng ‘Darna!’ ay siguradong sino man ang nasa kapahamakan o hawak ng mga masasamang -loob ay maililigtas niya.

Credits: Jhong Hilario | IG

Sa ngayong henerasyon at sa pinakahihintay ngang paglipad muli ni Darna sa serye ay ang Kapamilya actress na si Jane de Leon ga nang napiling magbibigay buhay sa karakter ng Pinay Iconic superhero. Marami sa kanyang mga tagahanga ang inaabangan na ang kanyang magiging paglipad at pagsigaw ng Darna!

Samantala, tila naman may chikiting version ang Darna, dahil sa isang cute na cute na baby ang nagsuot ng Darna outfit dahilan upang siya ay kagiliwan ng mga netizens.

Credits: Jhong Hilario | IG

Ang cute na chikiting nga na ito ay ang anak ni Jhong Hilario na si baby Sarina. Makikita kasi na ibinahagi I Jhong ang larawan ng kanyang baby girl kung saan ito ay nakasuot ng full costume ni Darna. Napaka-cute naman talaga ni Baby Zarina, at bagay na bagay sa kanya ang Darna outfit niya.

Kalakip ng larawan na ito ng kanyang baby Darna ay ang caption ni Jhong na;

Credits: Jhong Hilario | IG

“DARNA tuloy na tuloy na talaga!😊 Directed by the one and only Chito Roňo. @sarinahilario @chitorono @officialdarna @imjanedeleon #sari #darna #chitorono.”

Talaga namang umapaw na kakyutan si baby Sarina sa kanyang Darna outfit, at mas lalo pa nga siyang kinagiliwan ng ipamalas niya ang pagiging bibo niya dahil sa napakaganda ng kanyang pagkakangiti na tila nga umaawra habang kinukuhanan ng kamera.

Credits: Jhong Hilario | IG

Bakas naman kay Jhong ang pagiging proud Daddy niya sa kanyang cutie patootie.

Kilala si Jhong Hilario bilang ‘sample king’ kung kaya naman may mga netizens din na nagbiro na sana paglaki ni baby Sarina ay maging sample princess ito, na tila hindi naman malabong mangyari dahil malaki ang posibilidad na mamana niya ang husay at galing sa pagsasayaw ng kanyang Daddy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *