Connect with us

Entertainment

Lalaki Kumikita ng ₱800,000 sa Isang Buwan Mula sa Pagbebenta ng Filipino Street Foods sa New York

Natural na sa mga Pilipino ang maging masipag at madiskarte. Maraming Pilipino sa ibang bansa ang mayroong dalawa o higit pang trabaho. Ang iba naman ay mayroong maliliit na negosyo upang madagdagan ang ipinapadala sa kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas. Kung minsan pa nga ay mga produktong Pilipino ang ibinibenta sa mga negosyong ito. Sa katunayan, mayroon nang nagbenta ng sorbetes o dirty ice cream sa New York bilang paggunita sa ating Araw ng Kalayaan. Ngayon, isa na naman sa ating kababayan ang nakilala dahil sa pagbebenta ng produktong Pinoy.

Si Robin John Calalo ay isa sa mga Pilipinong hinahangaan ngayon dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Bukod sa kaniyang ipinamalas na kasipagan, ipinakilala rin niya ang pagkaing Pinoy sa ibang bansa. Ayon kay Robin na isang fitness instructor, nagkaroon siya ng ideyang magbenta ng street foods noong na-miss niya ang street foods sa Pilipinas.




Kalaunan, nagsimula na siyang magbenta ng sarili niyang produkto bilang sideline. Sa halagang $50 o ₱2,500, nagtayo siya ng simpleng stall sa kalye ng New York at nagsimulang magbenta ng isaw, betamax, adidas, at ang kaniyang best-seller na chicharon bulaklak. Ibinibenta ni Robin ang mga ito sa halagang $3.50 o ₱175.

Para sa kumpletong street food experience ng kaniyang mga suki, nagbebenta rin siya ng kanin at iba’t ibang inumin. Nagbebenta na rin ngayon si Robin sa kaniyang online shop at maging sa iba’t ibang food fairs. Mayroon din siyang ready-to-grill street foods para sa mga gustong manatili sa kanilang mga tahanan.

Unti-unting naging matagumpay ang negosyo ni Robin. Kung noong una ay mga kaibigan at pamilya lang ang mga suki ni Robin, ngayon ay mas marami nang Pilipino at maging mga foreigner na nais sumubok ng mga pagkaing Pinoy ang bumibili sa kaniya. Agad rin siyang nakilala at binansagang, “Boy Isaw”. Dahil dito, kumikita na siya ngayon ng ₱200,000 linggo-linggo o katumbas ng ₱800,000 sa isang buwan.



Totoo nga na maganda ang bunga ng kasipagan at pagtitiyaga. Ayon nga kay Boy Isaw, “Ihaw-Ihaw sa New York! Sabi nga ni Kuya Kim, pagdating sa negosyo mapa-Pilipinas man o ibang bansa, HARDWORK is the KEY!”

error: Content is protected !!