Wala nga namang makaliligtas sa mga mapanuring ‘Marites’, kagaya na lamang ng kontrobersyal na ‘humored couple’ ngayon sa mundo ng showbiz na sina Yen Santos ay Paolo Contis. Muli na naman ngang naging usap-usapan ng mga netizens ang dalawa, ito ay matapos na sila ay mamataan na magkasama ulit sa isang lugar.
Photo Credits to the Owner
Sa kabila ng hindi naman nagbabahagi sina Yen at Paolo ng mga larawan nilang magkasama sa kani-kanilang social media account, ay mga mismong mga netizens naman na nakakakita sa kanila na magkasama ang nagbabahagi nito sa social media.
Matatandaan na unang namataan ang dalawa na magkasama sa Baguio, kung saan dito na nga nagsimula ang mga isyu na hanggang ngayon ay patuloy na ibinabato sa kanila. Paglalahad pa nga noon ni Paolo, ‘as a friend’ lamang ang naging Baguio trip nila ng aktres.
Photo Credits to the Owner
Noon namang nakaraang Nobyembre sa pagdiriwang ng kaarawan ni Yen, ay may nagsabing kasama nito ang aktor sa isang beach resort, ito ay base na rin sa inilabas na IG stories ng dalawa na nasa isang ‘dinner party’ at mapapansin nga ang pagkakapareho ng venue.
Muli ding na-spottan ang dalawa na magkasamang kumakain sa isang restaurant sa Rockwell Makati, kung saan sa kumalat na larawan sa social media ay malinaw na maaninag ang mukha ni Paolo, samantala ang babae namang kasama niya, na sa paghihinuha ng mga netizens ay si Yen, ay nakasuot nga checkered longsleeve.
Photo Credits to the Owner
Samantala, may isa namang mapanuring ‘Marites’ na nagkataon na nasa Rockwell Makati rin ng araw na ‘yon ang nagbahagi pa ng larawan ni Paolo kasama nga ang babae na sinasabing si Yen Santos. Makikita sa larawan na ang babae ay nakaakbay kay Paolo, at ang kasuotan nga nito ay pareho rin sa mga unang larawan na lumabas na ang dalawa nga ay kumakain sa isang restaurant.
Ayon sa netizens na nag-upload ng larawan, kumpirmadong ang kasamang babae ni Paolo Contis ay si Yen Santos. At talaga namang napaka-sweet nga umano ng dalawa habang ang mga ito ay namamasyal.
Photo Credits to the Owner
Sa kabila naman ng napakaraming mga larawan na kumalat sa social media na magkasama nga sina Paolo Contis at Yen Santos, ay hindi pa rin naman umaamin.