Komedyanteng Si Jimmy Santos, Pinabilib Ang Netizens Matapos Maging Meat Vendor Sa Palengke

Ang TV host at komedyante na si Jimmy Santos, ay isa sa mga naghatid ng saya sa mga manonood sa telebisyon. Mas lalo naman siyang nakilala ng madla nang maging isa siya sa mga host ng noon time show na Eat Bulaga.

Credits: Jimmy Santos | IG

Masasabi naman na talagang naging matagumpay ang karera sa showbiz ni Jimmy o kilala rin sa tawag na Tito Jimmy. Ngunit, sa pagdating ng pandemya ay isa rin siya sa mga nakaranas ng matinding hirap, kung saan nga ay naapektuhan ang kabuhayan.

Sa kabila ng hirap na nararanasan na dulot ng pandemya ay hindi pinanghinaan ng loob si Jimmy, sa halip nga ay pinatunayan niya na kaya niyang dumiskarte sa buhay. Matapos mawalan ng trabaho bilang host ng Eat Bulaga, ay pinasok na rin ni Jimmy ang mundo ng vlogging kung saan sa kanyang sariling YouTube channel mapapanood ang kanyang mga nakakaaliw na mga video.

Credits: Jimmy Santos | YT

At kamakailan lamang nga, ay umani ng paghanga mula sa netizens si Jimmy matapos niyang ibahagi ang kanyang vlog kung saan makikitang suma-sideline siya sa palengke bilang isang meat vendor. Ilang linggo na ngang nakikita ng publiko ang mahusay na komedyante na nagbebenta ng karne sa palengke ng Pampanga sa bayan nito sa Angeles City.

Dahil nga sa nakitang kasipagan at talaga namang walang kaarte-arte sa pagbebenta ng karne sa palengke, ay agad na nag-trending sa social media ang mga larawan at video ni Jimmy.

Makikita nga sa vlog ni Jimmy ang kanyang pagsakay sa isang tricycle patungo sa palengke. Habang nasa biyahe naman ay ipinaliwanag ni Jimmy ang iba’t ibang klase ng produkto ang mabibili dito. Nabanggit rin ni Jimmy kung ano-ano ang kanyang mga paninda bilang isang meat vendor.

Credits: Jimmy Santos | YT

Agad namang nakapukaw ang pansin ng mga netizens at humanga kay Jimmy sa pagsa-sideline nito sa palengke bilang isang meat vendor. Marami naman ang natuwa sa ginagawang pagba-vlog ni Jimmy upang masubaybayan ang simpleng pamumuhay ng komedyante. Hiling pa ng mga netizens ay ipagpatuloy nito ang pagpa-vlog.

Samantala, napahanga rin ni Jimmy sa kanyang kasipagan ang TV host na si Willie Revillame. At hindi nga nagdalawang isip si Kuya Wil na magpaabot ng tulong kay Jimmy kung saan nga ay binigyan ito ng fruit stand business at sasakyan.

Ang dating kasamahan rin ni Jimmy sa Eat Bulaga na si Vic Sotto, ay talagang humanga sa diskarte at kasipagan nito kung kaya’t, biniyayaan niya rin ng bahay at sasakyan.

Sa isang Instagram post naman, ay ibinahagi ng komedyanteng si Giselle Sanchez na ang mga tumulong sa dating basketball player at komedyante na si Jimmy, ay maituturing na biyaya sa tamang pagkakataon. Hinangaan rin ni Giselle ang pananaw sa buhay ni Jimmy. At payo pa nga nito kay Jimmy, anuman ang mga pagsubok pang darating ay maging matatag at magtiwala lamang sa Diyos.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *