Kinagigiliwan at Napaka-Cute na Baby Boy Nina Meryll Soriano at Joem Bascon Bininyagan Na

Ganap ng isang Kristiyano ngayon ang napaka-cute na anak ng mag-partner na sina Meryll Soriano at Joem Bascon. Ito ay dahil bininyagan na nga sa simbahang katolika ang kanilang anak na si Baby Gido.

Photo Credits to the Owner

Tunay na napakahalaga ang mabinyagan ang isang sanggol, dahil ayon sa paniniwala ng marami at nakasaad na rin sa Bibliya, ay ang sakramento ng binyag ang nagdadala sa atin sa banal na buhay at paglilinis sa ating mgka kasalanan. May ibang mga relihiyon na ginagawa ang binyag kapag ang isang tao ay nasa hustong edad na, ngunit sa simbahang Katolika nga ay kadalasang ginagawa ang pagbibinyag sa isang tao kapag ito ay sanggol pa lamang o bata pa.

Samantala, ang anak nga nina Meryll at Joem na si Baby Gido na isang taong gulang pa lamang ay bininyagan na nga sa simbahan ng Katolika. At ayon sa naging ulat ng KAMI ang unang taong kaarawan ni Baby Gido at binyag nito ay sinabay na sa iisang okasyon.

Photo Credits to the Owner

Naiulat din na ang nasa likod ng mga magagandang larawan sa naging binyag ni Baby Gido ang ang Nice Print Photography, na siya rin ngang unang nagbahagi sa kanilang social media ng mga larawan sa naging kaganapan sa binyag ng anak nina Meryll at Joem.

Masisilayan sa isang larawan na ibinahagi ng Nice Print Photography na magkasama ang celebrity couple habang karga nila si Baby Gido habang ito nga ay binibinyagan ng isang Pari.

“Baptism of Gido [praying hand emoji]

Photo Credits to the Owner

With mommy @planetumebushi and daddy Joem [heart emoji]

#niceprintkiddie”, ang naging caption ng Nice Print Photography sa nasabing larawan.

Hindi naman nawala sa binyag na ito ng anak nina Meryll at Joem ang tiyahin ng aktres na si Maricel Soriano, dahil makikita sa ilang mga larawan na naroroon nga ang tinaguriang ‘Diamond Star’ sa showbiz, at dumalo nga sa binyag ng kanyang apo sa pamangkin.

Photo Credits to the Owner

Samantala, sa Instagram ni Meryll ay masisilayan rin ang pagbabahagi niya ng ilang mga larawan na kuha sa naging binyag ng napaka-cute niyang anak, kung saan dinaluhan nga ito ng ilang mga tao na malalapit sa kanila, isa na nga ang kanyang tita Maricel Soriano at tito Mel Martinez.

“Welcome to the Christian world, anak”, saad ni Meryll sa caption ng kanyang IG post.

Photo Credits to the Owner

Ang binyag ng anak nina Meryll at Joem na si Baby Gido ay ginanap sa Jesus, Lord of Divine Mercy Parish sa Quezon City at ang par ingang nagbinyag sa sanggol ay si Fr. Roland Jaluag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *