Kilalanin Si Angela Muhlach, Ang Napakaganda at Matalinong Kapatid Ni Niño Muhlach Na Isang Engineer

Si Angelo Jose Rocha Muhlach sa kanyang tunay na pangalan na kilala naman ng lahat bilang si Niño Muhlach ay isang sikat na aktor sa industriya ng showbiz. Ang pamilya Muhlach ay kilala na sa larangan ng showbiz, at hindi na nga nakapagtataka kung ang bawat miyembro sa kanilang pamilya ay talaga namang artistahin ang dating.

Sa mga hindi nakakaalam ay may napakaganda at matalinong kapatid si Niño na talaga namang maipagmamalaki. Siya nga si Angela Muhlach na bukod sa artistahin looks na sadyang napakaganda, ay napakaseksi rin. Sa kabila ng kanyang magandang katangian, ay hindi sinubukan ni Angela ang pasukin ang mundo ng showbiz upang mag-artista, sa halip ay pinagtuunan niya ang makapagtapos ng pag-aaral at tahakin ang sariling landas bilang isang Engineer.

Si Angela ay nakapagtapos ng kursong Industrial Engineering sa De La Salle University kung saan nga ay nakatanggap siya ng parangal dahil sa kanyang taglay na katalinuhan. Talaga namang maipagmamalaki si Angela ng kanyang pamilya, dahil siya lang naman ang kauna-unahang Engineer sa kanilang pamilya. At para nga kay Angela ay isa na itong malaking karangalan.

Samantala, sa kabila ng kanyang pagiging abala sa kanyang propesyon ay hindi naman nakakaligtaan ni Angela na bigyan ng oras ang sarili para maenjoy ang mga bagay at nais niyang gawin sa buhay. Kaya naman, hindi nga pinapalampas ni Angela ang makapag-travel at bisitahin ang magagandang lugar sa loob at sa labas ng bansa.

Aktibo sa social media si Angela, at makikita sa mga larawang kanyang ibinabahagi na talagang nag-eenjoy siya sa kanyang bakasyon sa bawat lugar na kanyang napupuntahan. Katulad na lang nga ng magtungo siya sa Europe at binisita ang mga magagandang tanawin sa mga lugar gaya ng London, Paris, Spain, Holland at Rome. Nagtungo rin siya sa Netherlands noong 2014.

Taong 2015 naman kung saan ay 21 years old pa lamang siya ay binisita ni Angela ang Ocean City Skydiving Center sa Amerika at sinubukan ang sky diving na halos 10,000 ft ang taas ng kanyang nilipad. Makikita naman sa kanyang social media account na talagang nag-eenjoy siya sa kanyang pamamasyal at pagbabakasyon sa ibang bansa.

Bagama’t, madalas na nasa ibang bansa, at kadalasang wala sa loob ng kanilang bahay sa Pilipinas ay hindi naman maikakaila ang pagiging Daddy’s girl ni Angela. Na kung saan nga ay malapit sa kanyang amang si Alexander Muhlach, at ito nga ang kanyang madalas kabonding.

Tila nga napakapalad ni Angela sa kanyang buhay, bukod sa magagandang katangiang taglay niya, magandang karera, at mapagmahal na pamilya, ay biniyayaan rin siya ng makulay at masayang buhay pag-ibig. Masaya ngayon si Angela sa piling ng kanyang first boyfriend at fiancee na niya ngayong si Alfonso Hortaleza. Si Alfonso ay General Manager ng Prime Global Finance Corporation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *