Connect with us

Entertainment

Kilalanin: Inampong Bata Noon, Nabigyan ng Magarang Pamumuhay ang Pamilya Ngayon

Marami na tayong nakitang kwento ng mga pamilya kung saan naiahon nila ang kanilang sarili sa hirap sa pamamagitan ng pagtitiis at pagsisikap. Sa mga kwentong ito, nakita natin na totoong napakahirap bumuhay ng isang pamilya lalo na kung marami ang pinapakaing anak at kakaunti lang ang kinikita ng mga magulang.

Ngunit mas naging kahanga-hanga ang kwento ng pamilya ni Jayvee Lazaro Badile dahil bagamat hirap din sa buhay ang kaniyang mga magulang noon ay kinupkop pa rin siya nga ito at binigyan ng masayang tahanan. Kwento ni Jayvee, tindera ang kaniyang nanay noon habang nagtatrabaho naman bilang porter ang kaniyang tatay. Simple lang din ang kanilang tahanan.

Photo credits: Jayvee Lazaro Badile II




Ngunit kahit nagsisiksikan ang kanilang mag-anak ay kuntento at masaya sila. Hindi rin nagkulang sa pagmamahal ang kaniyang mga magulang dahil nakita ni Jayvee ang pagsusumikap nila upang mabuhay sila araw-araw. Dagdag pa ni Jayvee, malaki ang kaniyang pasasalamat sapagkat hindi niya alam kung saan siya maaaring mapadpad o kung ano ang maaaring mangyari sa kaniya kung hindi siya inampon ng kaniyang nanay at tatay.

Photo credits: Jayvee Lazaro Badile II

Naging motibasyon ito ni Jayvee na magsumikap rin sa buhay upang maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya at masuklian ang mga ito sa pagmamahal sa kaniya. Ayon nga kay Jayvee,

“When Nanay and Tatay adopted me, it wasn’t a good life. Nanay is a vendor, tatay is a porter. Wala kaming maayos na tulugan, kainan, liguan at palikuran. Kaya now that I have the chance to give back to them, I will make sure they will live their dreams better than they could ever imagine!”

Photo credits: Jayvee Lazaro Badile II

Sa kaniyang pagsusumikap, ang dati nilang barong-barong ay napalitan ng napakalaking mansyon.

Photo credits: Jayvee Lazaro Badile II

Kung dati ay problema nila ang kakainin sa bawat araw, ngayon naman ay laging umaapaw ang kanilang hapag. Bukod pa rito, naipasyal na ni Jayvee ang kaniyang pamilya sa iba’t ibang lugar. Nagkaroon na rin sila ng bakasyon sa ibang bansa.




Photo credits: Jayvee Lazaro Badile II

Talaga nga namang natatamasa na ng mga magulang ni Jayvee ang resulta ng kanilang pagsisikap noon. Isang mabuting ehemplo rin si Jayvee sa lahat. Higit pa sa utang na loob, ang pagmamahal niya sa pamilya ang naging determinasyon niya upang magsumikap na maiahon sa kahirapan ang kaniyang mga magulang.

error: Content is protected !!