Kapuso Actress Marian Rivera, Nasa Bansang Israel Na at Handang-handa na Para Maging Isa sa mga Hurado ng Miss Universe 2021

Maraming mga fans ng Kapuso actress na si Marian Rivera ang nasiyahan ng ibalita nga na ang kanilang iniidolo ay isa sa mga napiling hurado sa gaganapin na prestihiyosong beauty pageant, at ito nga ay ang nalalapit ng Miss Universe 2021 na gaganapin sa bansang Israel.

Credits: Marian Rivera Photo

Kamakailan lamang ay nabalita na lumipad na patungo sa Israel si Marian Rivera at kasama nga niya ang kanyang buong glam team. Handang-handa na nga ang Kapuso actress para maging isa sa mga member ng official selection committee ng 2021 Miss Universe.

Ayon sa ulat, nakarating na nga si Marian sa Eliat, Israel kung saan gaganapin ang nasabing beauty pageant. At maliban sa kanyang buong glam team, ay kasama din ng Kapuso actress ang kanyang asawang si Dingdong Dantes.

Credits: Marian Rivera Photo

Sa mga lumabas na pahayag ng glam team ng Kapuso actress, ay napag-alaman nga na ang dala-dala nga nilang luggage patungong Israel ay sampu (10), kung saan iba sa mga ito ay naglalaman ng mga magiging outfits ni Marian para sa iba’t ibang mga event.
Dalawampung outfits nga umano ang dala ng tinaguriang Kapuso Primetime Queen, at ang lahat nga ng kanyang mga outfit ay likha ng mga local designers.

“Yung iba kasi depende kung ano ang pupuntahan niya, like kunwari cocktail or gown or kung welcome party, at least covered namin ‘yung looks”, saad ng isa sa mga stylist ni Marian na si Mel Sy.

Credits: Marian Rivera Photo

Dagdag pa nito, “Kung feeling namin underdressed siya, we can change to a long gown. Depende sa Category.”

Para naman sa event ng Miss Universe 2021 ay gown na likha ni Francis Libiran ang outfit ni Marian, at upang masigurado nga ang ‘safety’ ng naturang damit, ay ini-hand carry lamang ito sa kanilan naging buong byahe.

Credits: Marian Rivera Photo

Ibinahagi naman ng make-up artists na si Steven Deloso, na may idea na sila kung paano mas paangatin pa ang taglay na natural na ganda ng Kapuso actress para sa darating na event.

“Meron na kaming idea for her look but definitely she’s pretty naman, hindi mo na kailangan pang, you know, siguro beauty makeup”, pahayag nga nito.

Paninigurado pa niya, ay magiging stunner at head-turner sa gala night ang Kapuso actress.

Credits: Marian Rivera Photo

Dahil sa mga naging pahayag ng glam team ni Marian, ay marami ang nagsabi, na tila nga mas magiging bongga pa ang Kapuso actress bilang isang judge, kaysa sa mga kandidatang beauty queen na magpapatagisan ng ganda at talino sa Miss Universe 2021 pageant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *