Jaclyn Jose, Mas Pipiliin ang Career Para Mabigyan ng Maayos na Buhay ang Kanyang mga Anak

Prangkang sinabi ni Jaclyn Jose na kung career o anak, mas pipiliin niya ang kanyang career, kung bakit? Ito ay upang mabigyan niya ng maayos na buhay ang kanyang mga mahal na anak.

Credits: Jaclyn Jose | IG

Isa sa mga hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz si Jaclyn Jose o sa tunay na buhay ay si Mary Jane Santa Ana Guck. Kilala din siya bilang ang ina ng dating aktres na si Andi Eigenmann.

Nito lamang nakaraang araw ng Miyerkules, ika-22 ng Disyembre ay napag-alaman ng KAMI na ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose ay nagkaroon ng one-on-one interview sa popular na talent manager na si Ogie Diaz. Sa panayam na ito ni Ogie kay Jaclyn, ay marami siyang naging katanungan sa beteranang aktres.

Credits: Jaclyn Jose | IG

Kabilang sa mga naging katanungan ni Ogie kay Jaclyn o kung tawagin nga niya ay si Miss J, ay ang nakaraang IG post nito kung saan ay inihayag nga ng aktres kung gaano niya hinahangaan ang pagiging isang magulang ng panganay niyang anak na si Andi.

“Meron kang isang post sa IG mo na bumibilib ka Andi kung panong magpalaki ng anak”, ang naging katanungan ni Ogie kay Miss J.

Credits: Andie Eigenmann | IG

Kaagad naman itong sinagot ni Miss J, ayon sa kanya talaga namang hanga siya sa pagiging isang ina ng anak niyang si Andi dahil nagawa nitong iwan ang kanyang karera upang makapagpokus nga sa pag-aaruga at pagpapalaki sa mga anak. Pag-amin pa ni Miss J, ay hindi niya kaya ang ginawa ng anak niyang si Andi, dahil kung siya, ay mas pipiliin niya ang kanyang career.

Ikinagulat naman ni Ogie ang naging pahayag ni Miss J na mas pipiliin nito ang kanyang career. Ngunit agad ding nagbigay ng kanyang magandang dahilan ang beteranang aktres kung bakit nga career ang pipiliin niya.
Ayon sa pahayag ni Miss J, mas pipiliin niya ang kanyang career dahil sa pagmamahal niya sa kanyang mga anak, at nais nga niyang mabigyan ang mga ito ng maayos na buhay.

Credits: Andie Eigenmann | IG

“Kasi ako, pag pinapili ako sinong pipiliin ko. Anak o Career? Career. Papano ko palalakihin yung anak ko kung wala akong ipakakain, pero hindi ko ibig sabihin na pinili ko yung career ko dahil mas mahal ko yung career ko kaysa sa anak ko. Mas mahal ko yung anak ko at kung hindi ko pipiliin yung career, wala siyang environment na mahusay, na kinalakihan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *