Ivana Alawi, Dadagdagan ang P105,000 na Tulong ni Zeinab Harake sa Isang Batang Nakaratay Dahil sa Karamdaman

Pagpasok ng buwan ng Disyembre ay agad na sinimulan ng vlogger na si Zeinab Harake ang kanyang Vlogmas. Ito ay kung saan nag-iimbeta siya ng mga celebrity vloggers na maglalaro para makalikom ng halaga na ibibigay nila bilang tulong sa maswerteng mapipili na labis na nangangailangan talaga.

Credits: Zeinab Haeake | YT

Si Zeinab Harake ay isa sa mga pinakasikat na Instagram star, Tiktok star, YouTuber at model na mas nakilala nga ng publiko dahil mga magaganda niyang vlogs sa kanyang YouTube channel na ang madalas ngang laman na content ay tungkol sa kanyang lifestyle at game vlogs.

Siya rin ang isa sa mga pinaka-highest paid vlogger sa bansa at sa kasalukuyan nga ay myroon na siyang 11-milyong YouTube subscribers na sumusubaybay sa lahat ng mga vlogs na kanyang ginagawa.

Samantala, sa pinakabago ngang mga vlog ni Zeinab sa kanyang YouTube channel na pimagatan nga niyang Vlogmas ay nakasama niya ang ilan sa mga sikat na celebrity vlogger, kagaya na lamang nina Vice Ganda, Kim Chiu at Rabiya Mateo.

Ngunit sa kanyang pinakahuling vlogmas ay ang sikat na actress-vlogger na si Ivana Alawi ang magiging player niya. At kung magkano man ang perang malilikom ni Ivana sa magiging laro niya, ay ito ang ibibigay nilang tulong sa batang mayroong malubhang karamdaman.

Credits: Zeinab Haeake | YT

Napag-alaman ng KAMI na bago pa man ang collab ng dalawang sikat na vlogger, ay nauna munang binisita ni Zeinab ang batang tutulungan nila. Nagpunta siya sa tahanan ng mga ito, at doon nga niya nakita ang kalagayan ng bata habang ito ay nakaratay sa higaan.

Hindi naman napigilan ni Zeinab ang maluha ng makita niya ang kalagayan ng bata, lalo na nga’t buntis pa ang ina nito. Nagbigay din si Zeinab ng paunang tulong para sa bata, maliban pa sa halaga na malilikom ni Ivana sa paglalaro nito.

Ang nilaro nga nina Zeinab at Ivana ay tinawag na ‘Category Challenge’ kung saan ay paramihan sila ng masasabing salita na may kaugnayan sa sasabihing category. At dahil sa husay nila ay umabog nga sa P105, 000 ang nalikom nilang halaga.

Credits: Zeinab Haeake | YT

Kahit na malaki na nga ang naturang halaga na kanilang nalikom, ay bumulong pa nga si Ivana kay Zeinab na daragdagan niya pa ito, para mas malaking tulong ang maibibigay nila sa batang may karamdaman.

Dahil sa napakagandang layunin na ito ni Zeinab sa ginawa niyang Vlogmas ay umani siya ng papuri sa kanyang mga kapwa vlogger. Hindi lang kasi kasiyahan ang naibigay niya sa kanyang mga viewers kundi nakatulong pa siya sa mga nangangailangan.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *