Isang Delivery Rider, Naging Emosyonal ng Makatanggap ng Maagang Pamasko Mula Kay Dra. Vicki Belo

Sa panahon ngayon na patuloy na nararamdaman ng marami sa ating mga kababayan ang krisis, ay isang napakagandang bagay ang naisipan gawin ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo. Dahil nga sa krisis na kinahaharap ng marami ngayon, ay naisip ni Dra. Vickie Belo, ang mamahagi ng biyaya, at ang kanyang napiling pagkalooban, ay ang mga masisipag nating delivery rider na umulan o umaraw man ay patuloy na nagbibigay serbisyo sa atin.

Mapapanood sa latest vlog ng celebrity doctor, ang kanyang naging pagbibigay ng ayuda sa mga magigiting nating delivery riders. At ayon nga sa kanya, ang pamamahagi niya na ito ng ayuda para sa mga riders, ay para pasasalamat sa mga ito, dahil sa panahon ng pandemya lalo na nung may quarantine pa, ay ang mga ito ang tanging naaasahan ng marami sa atin.

Ayon nga kay Dra. Vicki Belo, ang pagkain na ide-deliver sa kanya ng mga delivery rider, ay ibibigay niya sa mga ito, maliban pa dito, ay may pa-cash din siya, kung saan walong-libong piso ang ibibigay niya sa bawat rider na magde-deliver, ngunit may mga katanungan muna siya na dapat masagot ng mga ito.

Ibinahagi pa nga ng Dra. Vicki, kung bakit 8-thousand ang napili niyang amount na ipamahagi sa mga rider, ito ay dahil 8 daw ay sumisimbolo sa infinity upang infinity blessings din ang matanggap ng mga delivery riders.

Isang delivery rider naman na nakatanggap ng biyaya mula sa celebrity doctor ang hindi napigil ang mapaluha, kaya naman maging si Dra. Vicki ay hindi na rin napigila ng kanyang emosyon sa tagpong ‘yon.

Labis naman ang naging pasasalamat ng mga delivery riders sa Dra., sa biyayang ipinagkaloob nito sa kanila.

Pagbabahagi ng ani Dra. Vicki Belo, talagang malambot ang kanyang puso sa mga taong nagsusumikat at nagtatrabaho ng marangal upang maibigay ang pangangailangan ng pamilya.

Maraming mga netizens naman ang pumuri sa kabutihang loob ng celebrity doctor. Ilan nga sa mga ito ang nagsabi, na dahil sa kabutihan ng puso niya, ay mas lalo pa ngang bubuhos ang biyaya sa pamilya nito.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

“Vicki Belo has really a good heart… That’s why she was so bless… God bless Vicky.”
“It’s nice to see people like Dra. Vicki Belo with a big heart and very humble.”
“More blessings pa po Doc Vicky para marami pa kayong matulungan, God bless you.”

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *