Heart Evangelista, Milyones ang Kinita sa Kanyang Kauna-Unahang N.F.T Art Work na Naibenta sa Halagang P3.6 Milyon

Maliban sa pagiging isang mahusay na aktres at hinangaan pagdating sa fashion, ay may angking husay at talento din ang Kapuso actress na si Heart Evangelista pagdating sa pagpipinta.

Credits: Heart Evangelista | IG

Sa katunayan, dahil sa napakagandang mga ‘art works’ ni Heart, ay ang iba nga sa mga ito, ay talaga namang hindi biro ang presyo. Iyong iba nga sa mga paintings ng actress-fashion icon ay umaabot sa milyong piso ang halaga. Kaya naman kung nanaisin nga talaga ni Heart na itigil na ang pag-aartista, ay pwedeng-pwede lalo na’t kung isang painting pa lamang nga niya ay milyon na din ang kita niya.
Kagaya na lamang ng kauna-unahang N.F.T Artwork ni Heart, na naibenta sa halagang P3.6 milyon.

Credits: Heart Evangelista | IG

Matatandaan na nito lamang nakaraan ay inanunsyo ng misis ni Chis Escudero ang kanyang paglahok sa N.F.T world, kung saan ay kanyang naka-collab si Luis Buenavintura o mas kilala bilang si Cryptopop at si Rodel Colmenar na siyang kauna-unahang N.F.T artist at Manila Philharmonic Orchestra.
Ayon sa ulat, ang N.F.T o non-fun.gibl.e tokens ay isa sa mga digital arts na popular at bentang-benta ngayon sa online world. Iba’t ibang mga malalaking event tulad ng NBA at Miss Universe ang makikita rito.

Credits: Heart Evangelista | IG

Dahil sa husay sa pagpipinta ng Kapuso actress, ay napakaganda ngang obra ang kanyang nagawa, kung kaya naman agad itong naibenta kahit nga umabot sa milyones ang halaga nito. Ayon sa pag-anunsyo ni Luis Buenavintura, mabilis na naibenta sa 17.35 E.T.H o P3.6 milyon ang kauna-unahang N.F.T artworks collab nila ng Kapuso actress.

“My collab with Heart Evangelista sold for a total of 17.35 E.T.H or ₱3.6 M on Open Sea just now! High fives all around to winning bidders @goltra and AxieBoss and #crypt0artph.” ani Luis.

Credits: Heart Evangelista | IG

Maliban sa artworks na ito ni Heart sa N.F.T, ay minsan na ring ibinahagi ni Heart sa panayam sa kanya noon ni Karen Davila, na ilan sa kanyang mga obra ay talaga namang naibebenta niya ng milyones.

Ayon nga kay Heart, mayroon siyang isang artworks na naibenta niya sa halagang P3-milyon, at may paintings din siya na maaring maibenta ng kulang-kulang P150-milyon o tatlong milyong dolyar.

Credits: Heart Evangelista | IG

Tunay namang nakaka-wow ang husay ng Kapuso actress-fashion icon, dahil makikita sa kanyang mga artworks, na talagang ang gaganda nito, kung kaya hindi rin nakapagtataka na milyones ang halaga ng mga ito.

Si Heart Evangelista ay isa sa mga kilalang Kapuso actress na ngayon ay bumibida sa seryeng ‘I Left My Heart in Sorsogon’. Siya din ang butihin at napakagandang misis ni Sen. Chiz Escudero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *