Gloria Diaz, Pinahanga Ang Netizens Matapos Ibahagi Ang Isang Video Habang Siya’y Nagwo-work Out

Marami ang pinahanga ni Gloria Maria Aspillera Diaz o mas kilala ng publiko bilang si Gloria Diaz, matapos maiuwi ang korona ng Miss Universe noong 1969 at tanghaling kauna-unahang Pinay beauty queen na nakapag-uwi ng korona sa bansa.

Sa kanyang taglay na ganda, kaseksihan at katalinuhan ay talaga namang napahanga niya ang mga hurado. Matapos naman ng matagumpay na karera bilang isang beauty queen, ay tuluyan naman niyang pinasok ang mundo niyang showbiz upang patunayan ang husay sa pag-arte.

Bumida nga siya sa mga pelikula at teleserye kung saan ay patuloy na tinatangkilik ng publiko. Bilang isang beauty queen at artista, ay inaalagaang mabuti ni Gloria Diaz ang kanyang magandang mukha at katawan. At hindi naman maikakaila na ngayong may edad na siya ay makikita parin ang kanyang pag-iingat at pag-aalaga sa kanyang katawan.

Kamakailan lamang nga, ay kinagiliwan ng netizens ang video ni Gloria kung saan makikitang abala siya sa pagwo-work out. Tila isang exercise routine ang ginagawa ng Miss Universe 1969 sa tulong ng instructor nito gamit ang isang stability chair. Sa nasabing video nga, ay pinatunayan ni Gloria na kahit 70 anyos na siya ay kaya niya paring maging fit and healthy.

Sa caption naman ng kanyang post kalakip ang video, ay hindi naman maitago ng beauty queen ang hirap ng kanyang ginagawa. Ayon nga rito, kung inaakala raw ng iba na madali ito, ay sobrang hirap raw itong gawin. Ngunit, ang resulta naman nito sa huli ay talaga namang napakaganda.

“YOU THINK THIS IS EASY. Grabe slow and super hard but great at the end,”saad ng beauty queen.

Samantala, marami namang netizens at ilang celebrities sa showbiz ang napahanga ni Gloria sa kanyang work out video kung saan makikita ang kanyang pagsisikap na matapos ang ginagawang work out.

Ilan nga sa nagbigay ng komento ay ang anak niyang si Isabelle Daza. Maging ang aktres at modelong si Georgina Wilson ay nagbigay rin ng komento na puno ng paghanga sa maganda at fit na matawan ng Miss Universe 1969.

“Ang Galing”

“Amazing!!!!!”

“You are the fittest 70-year-old I know”

“The best part is the full make up tho”

Ngayon nga na 70 taong gulang na si Gloria Diaz, ay hindi nga maikakaila na napanatili niya hindi lamang ang kanyang magandang mukha kundi pati na rin nga ang kanyang fit and healthy na katawan. Dahil nga sa maganda at maayos na pangangalaga niya sa kanyang katawan, ay malaki ang naitulong nito sa kanyang karera. At hanggang sa kasalukuyan nga, ay patuloy na namamayagpag ang kanyang karera sa showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *