G Tongi, Proud Na Ibinahagi Na Nagawa Niyang Makapagtapos Sa Graduate Studies Kahit Nasa Gitna Ng Pandemya

Isang tagumpay ang nakamit kamakailan ng dating aktres na si G Tongi matapos niyang makapagtapos sa pag-aaral ng graduate studies kahit nasa gitna ng pandemya.

Photo credits to the owner| FB

Si G Tongi na kilala rin sa kanyang tunay na pangalan na Giselle Anne Töngi-Walters ay isang kilalang aktres, modelo, TV host at VJ sa mundo ng showbiz. Dekada 90 nang magsimulang makilala si G Tongi sa showbiz, ngunit noong taong 2014 ay nagpasya na siyang lisanin nang tuluyan ang showbiz.

Photo credits to the owner| FB

Matapos umalis sa mundo ng showbiz ay nagpasyang bumuo ng pamilya si G Tongi sa piling ng kanyang asawang bartender na si Tim Walters. Sila ay ikinasal sa isang beach wedding ceremony na naganap sa Boracay noong February 19, 2005. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak sina Kenobi Benjamin at Sakura Anne Marie.

Photo credits to the owner| FB

Ngunit, sa kabila ng pagiging abala bilang isang ina ay nagawa niya paring maglaan ng oras sa pag-aaral. Isa ngang panibagong achievement ang nakamit ni G Tongi na masaya niyang ibinahagi sa kanyang mga tagahanga. At ito nga ay ang kanyang pagtatapos ng pag-aaral ng graduate studies sa Antioch University in Los Angeles kahit nasa gitna ng pandemya. Matatandaan na noong 2019 nang mag-aral ng graduate studies si G Tongi at sa loob lamang nga ng 18 months ay natapos niya ang kursong non-profit management.

Photo credits to the owner| FB

“That involved six quarters of professional development and academic classes pertaining to the non-profit sector. Initially, our classes were in person, but obviously, when the pandemic happened in March 2020, all our classes in person were quickly moved online. Unbeknownst to my cohort and I, this online instruction would last over a year!”

Hindi naman maitago ni G Tongi ang kanyang labis na kaligayan na ang matagal na niyang inaasam na matapos ang graduate studies ay naisakatuparan na niya.

“I thought of non-profit management because it is similar to attaining an MBA (Master’s in Business), but adding the NGO [non-government organization] social good structure.”

Photo credits to the owner| FB

Ayon pa nga sa dating aktres, ay nais niyang matutunan ang paghawak ng isang organisasyon. Maliban sa panibagong achivement ni G Tongi, ay ibinahagi rin niya ang pagiging aktibo niya sa Festival of Philippine Arts and Culture (FPAC).

“I wanted to make sure that I learnt how to manage an organization to create sustainability for future generations.”

“Also, I had a direct application to my work as I was also serving at the time as the programing director of the arts and culture nonprofit, FilAm Arts, founded in Los Angeles in 1991. They are the presenters of the annual Festival of Philippine Arts and Culture (FPAC).”

Nabanggit rin niya na naialok sa kanya ng FPAC board of directors ang executive director position at ito nga ay hindi naman niya tinanggihan.

“Being in graduate school truly deepened my understanding of programming logic models and gave me the necessary language and tools to evaluate the impact of the work that I am passionate about.”

Photo credits to the owner| FB

Sa ngayon ay masayang naninirahan ang pamilya ni G Tongi sa US West Coast. At hindi maikakaila na kahit wala na siya sa industriya ng showbiz, ay maganda naman ang takbo ng kanyang karera at unti-unti na ring natutupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *