Fans ng Tambalang ‘LizQuen’ Nina Liza Soberano at Enrique Gil Labis na Kinilig sa Napakatamis na Thanks Giving Kiss ng Magkasintahan

Sa mundo ng showbiz ay maraming mga loveteam ang talaga namang kinakikiligan ng marami. At sa panahon ngayon, isa sa mga loveteam na talaga namang nagbibigay kilig sa mga manonood at kanilang mga tagahanga ay ang tambalang ‘LizQuen” na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Credits: Liza Soberano | IG

Kabilang din sina Liza at Enrique sa mayroong malaking loveteam fandom, kung saan mas lumawak pa ito ng mauwi sa totohanang relasyon ang tambalan nila sa telebisyon, ‘reel to real’ ika nga.

Hindi nga lamang sa mga pelikula at teleserye nagpapakilig ang dalawa, dahil maging sa totoong buhay ay labis na kinikilig para sa dalawa ang kanilang mga tagahanga. Mas lalo pa ngang kinilig ang mga ito kamakailan lamang ng mag-viral sa social media ang nakakakilig na photos at videos ng magkasintahang Liza at Enrique.

Credits: Liza Soberano | IG

Talaga namang napakaraming mga netizens at tagahanga ng dalawa ang labis na kinilig sa naturang photo at video, ito nga ay dahil makikita rito ang naging pagpapalitan ng matamis na halik ng dalawang Kapamilya stars.

Base sa mga ulat na lumabas, ang viral photo at video na ito nina Liza at Enrique na matamis ngang naghahalikan ay nakunan sa naging pagdiriwang nila ng Thanksgiving party, kung saan sa party nga na ito ay nakisaya, nakipagsayawan at nakisalamuha sa kanilang mgakaibigan ang magkasintahan.

Mayroong isang bahagi sa dinaluhan na Thanksgiving party ng dalawa na mayroong mag-asawa na kaibigan nila ang nag-kiss at matapos nga nito ay sa kanila na nabaling ang kamera, kasabay nga ang naging katyawan na silang dalawa naman ang susunod na magki-kiss.

Makikita ngang nabigla sina Liza at Enrique base na rin sa reaksyon ng kanilang mukha, at dito na nga natapos ang video.

Photo Credits to the Owner

Ngunit masisilayan sa vlog ni Tita Toni na pinagbigyan ng celebrity couple ang naging kantyawan sa kanila, kung saan sila nga ay nag-sweet kiss.

Sobra-sobra naman ang kilig na naramdaman ng fans ng magkasintahan ng mapanood ang pag-kiss na ito ng mga iniidolo nilang sina Liza at Enrique, tila nga ito ang unang pagkakataon na nakita ng mga tagahanga nila na sila ay nag-kiss ng hindi kuha sa serye o pelikula kundi sa totoong buhay nila.

Credits: Liza Soberano | IG

Sa kabila nito, mas inaabangan naman ng mga tagahanga ng magkasintahan ang muling pagbabalik nila sa teleserye, na ayon sa ulat ay sa susunod na taon nga ay may bagong pagtatambalan ang dalawa na teleserye at pelikula.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *