Ethel Booba Mayroon ng 1M YouTube Subscriber, Piniling Mamahagi ng Biyaya sa mga Aeta sa Nakamit Niyang Ito

Mahigit isang milyon na ang YouTube subscriber’s ng comedian-singer na si Ethel Booba. Maliban nga sa pagiging isang personalidad sa showbiz, ay pinasok na rin ni Ethel ang mundo ng vlogging, kung saan marami ang umaasenso. Kung kaya naman ngayon na siya ay mayroon ng 1M na tagasubaybay ay minabuti niyang ipagdiwang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng biyaya sa iba.

Credits: Ethel Booba | YT

Hindi naman kataka-taka na makamit ng comedian-singer ang pagkakaroon ng 1M na mga subscribers, dahil sa hatid niyang good vibes sa mga pagpapatawa at jokes niya ay talaga namang marami ang kinaaliwan siya lalo na ang mga ginagawa niyang content sa kanyang YouTube channel.

At ngayong ngang nakamit na ni Ethel ang isang milyong subscriber ay isang napakagandang gawa naman ang pinili niyang gawin upang ipagdiwang ang magandang blessings na ito sa kanya bilang isang vlogger.

Piniling mamahagi ni Ethel ng mga biyaya sa isang Aeta community bilang pasasalamat niya na siya ay naka-1M na subcribers na at siyempre sa patuloy na tagumpay na tinatamasa nila ng kanyang pamilya.

Credits: Ethel Booba | YT

Kahit biglaan ang pasinaya ng komedyante, ay sinigurado naman ni Ethel na makakapagbigay sila ng kasiyahan sa ating mga katutubong Aeta. Sila ay tulong-tulog na nag-pack ng mga de lata, bigas at iba pang mga pagkain na kanilang ipamamahagi sa napili nilang Aeta community.

Katuwang ni Ethel sa maganda at mabuting gawain niya na ito ang kanyang asawang si Chef Jessie, at ayon nga sa kanila hindi nila ibinahagi ang video upang magyabang, bagkus ay upang maging ehemplo sa marami na tumulong sa mga nangangailangan.

“Maliit man na tulong is tulong pa din”, ang saad ni Ethel.

Credits: Ethel Booba | YT

Napakalaking tulong naman talaga sa mga Aeta ang biyayang ibinahagi ni Ethel, at maliban pa dito ay mas nasiyahan pa ang ma ito ng magpalaro ang komedyante sa Aeta community na kanilang napili.

Agad namang bumuhos ang mga positibong komento mula sa mga netizens sa giwang ito ni Ethel.

“Hello ate Ethel!! Nai-inspire talaga ako sa buhay mo ngayon. Dati umiiyak kang nakikita kita dahil sa mga ex mong iniwan ka… pero ngayon ang saya mo na… stay strong lang po kayo ni kua Jessie… bihira lang po sa lalaki ang ganyan… God bless your family ate”, ang naging saad ng isang netizens.

“Congrats! It’s heart warming to see people like you sharing your gifts to our IP’s brothers and sisters! May you be continually blessed!”, ang sabi naman ng isa pa.

Si Ethel Booba ay isa sa mga kilalang mahusay na singer at komedyante sa bansa, na ngayon ay isa na rin nga sa mga kinaaliwan at sinusubaybayang vlogger dahil sa mga nakakatuwa at magagandang content na kanyang ginagawa.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *