Ellen Adarna, Ibinahagi Ang Masayang Bonding Ng Kanilang Pamilya Kasama Si Elias Nang Sila’y Magbakasyon Sa Bukidnon

Sinusulit nga ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay ang bawat sandali na sila’y magkasama. Mas lalo tumibay at makikita nga ang mainit na pagmamahalan ng mag-asawa matapos nilang makasal noong Nobyembre 11, 2021.

Photo credits to the owner

Pinatunayan nga nila na sa kabila ng maraming taong nanghuhusga sa kanilang relasyon, ay mas nanaig ang kanilang tunay na pagmamahalan. At ngayon nga, ay talagang nag-eenjoy ang mag-asawa sa piling ng isa’t isa kasama si Elias.

Photo credits to the owner

Si Elias ay anak ni Ellen sa kanyang dating karelasyong aktor na si John Lloyd Cruz. At makikita naman na parang tunay na anak na rin ang turing ni Derek sa anak ni Ellen. Hindi nga maikakaila na masisilayan sa kanila ang isang masayang pamilya.

Photo credits to the owner

Kitang-kita naman sa mga larawang ibinabahagi ni Ellen ang masayang bonding ng kanilang pamilya na ang hilig nga ay magbakasyon sa magagandang lugar. At kamakailan lamang nga, ay ibinahagi na naman ni Ellen sa kanyang Instagram ang masayang bonding ng kanilang pamilya kasama si Elias.

Photo credits to the owner

Maraming netizens nga ang naaliw sa mga larawang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram kung saan masisilayan ang larawan ng kanilang masayang pamilya. Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Ellen sa Instagram nito lamang ika-30 ng Disyembre na nagtungo sila sa Bukidnon para sa isang masayang bakasyon.

Photo credits to the owner

Makikita sa comment section ng post ni Ellen na hindi nakapagpigil ang mga netizens sa kacutan ni Elias na nakasuot ng orange sweater na pinaresan ng khaki jeans. Masisilayan rin ang kuha ni Ellen na no filter photos kina Derek at Elias na talaga namang malapit sa isa’t isa.

Photo credits to the owner

Sa larawan namang magkasama silang tatlo ay kitang-kita nga sa kanilang mga mukha ang saya habang kasama ang bawat isa sa kanilang bakasyon. Maraming netizens nga ang talagang humanga sa ganda ng samahan ng kanilang pamilya. Isang pamilya na puno ng saya at pagmamahalan.

Photo credits to the owner

Nag-iwan nga ang mga netizens ng komento sa nasabing post ni Ellen sa Instagram.

“Such a beautiful family, Elias looks so cute with his outfit.”

Matatandaan na sa pagbungad ng taong 2021 nang magkakilala sina Ellen at Derek. At matapos lamang ng ilang buwan, ay agad silang naengaged noong buwan ng Marso. Hindi naman na nila pinatagal pa ang kanilang pagiging mag-fiancee dahil pagsapit nga ng buwan ng Nobyembre ay naganap na ang kanilang pag-iisang dibdib.

Nasaksihan ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan ang kanilang sagradong pag-iisang dibdib na naganap sa Rancho Bernardo sa Bataan kasabay ang napakagandang tanawin ng paglubog ng araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *