Bela Padilla, Pinabilib Ang Netizens Matapoas Mag-mistulang Isang Barbie Doll Sa Kanyang Hair Transformation

Kilala na ang aktres na si Bela Padilla bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Sa kanyang taglay na kagandahan nga, ay marami ang nahuhumaling, idagdag pa rito ang kanyang natatanging husay sa pag-arte.

Credits: Bela Padilla | IG

Sa tuwing ibinabahagi nga ni Bela ang kanyang magandang larawan sa social media, ay inuulan nga ito ng napakaraming likes at komento na puno ng paghanga. At kamakailan lamang nga, ay muli na namang pinabilib ni Bela ang kanyang sandamakmak na tagahanga, matapos niyang ibahagi ang kanyang napakagandang hair transformation.

Makikita nga na mas lalong lumutang ang taglay na kagandahan ni Bela na nagmistulang isang Barbie Doll dahil sa blonde na kulay ng kanyang buhok. Tila nga, ibang iba ang awra ni Bela sa kanyang bagong hairstyle. Mula sa nakasanayang itim na buhok o kaya naman ay brown na kulay na buhok ngayon nga ay naka-blonde ang mahabang buhok ng aktres. At kung pagmamasdan nga sa kanyang mahaba at blondeng buhok ay nagmukha ring Koreana si Bela. Binagayan naman ni Bela ang kanyang mahaba at kulay blondeng buhok ng isang Prada hairclip.

Credits: Bela Padilla | IG

Kapansin-pansin naman ang blooming na awra ni Bela sa larawan kung saan ay talagang mababakas ang saya sa mukha ng aktres. Tiyak naman na ang dahilan nito ay ang kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay na nagbibigay saya at kulay sa puso ng aktres ngayon.

Matatandaan na nagkakilala sina Bela at Norman nang mag-shooting si Bela para sa isang pelikula kung saan nakasama niya ang aktor na si Carlo Aquino. At magmula nga noon ay hindi na nila pinakawalan ang isa’t isa. Hindi man madalas magbahagi si Bela ng mga larawan nila ni Norman sa social media, ay kitang-kita naman sa blooming na awra ng aktres kung gaano siya kasaya sa piling ng kanyang nobyo.

Credits: Bela Padilla | IG

Minsan na ring pinakilig ni Bela ang kanyang mga tagahanga na nakasubaybay sa kanyang buhay pag-ibig matapos niyang sagutin ang Q&A sa kanyang Instagram stories. Bago naman magkaroon ng lockdown, ay nagkaroon pa ng pagkakataon sina Bela at Norman na makapag-bonding at bisitahin ang iba’t ibang lugar nang magkasama.

Credits: Bela Padilla | IG

Samantala, maliban naman sa sayang hatid sa kanya ni Norman, ay ibinahagi rin ni Bela ang kanyang regular beauty routine para mapanatiling fresh at maganda ang kanyang awra. Ngunit, anuman nga ang gamiting make up o skin care ni Bela sa kanyang mukha, ay hindi naman maikakaila na talagang lutang na lutang ang kanyang natural na kagandahan.

Matatandaan na nitong nakaraang buwan lamang ng Nobyembre nang ianunsiyo ni Bela ang kanyang opisyal na paglipat ng tirahan sa London.

Credits: Bela Padilla | IG

“So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like Red heart now, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *