Bago Naging Isang Aktres, Kakai Bautista Proud na Ibinahagi na Noon ay Dresser Siya ng Sikat na Singer-Actress na Si Lea Salonga

Bago pa man narating ng ilan sa mga kilala nating artista ang tinatamasa nilang kasikatan at tagumpay ngayon sa tinatahak nilang karera, ay mayroon silang mga nakakahangang kuwento na kanilang binabalak-balikan, lalo na nga kung malaki ang naitulong nito kung saan man sila nakarating ngayon sa kanilang buhay.

Credits: Kakai Bautista | IG

Halimbawa nga nito ay ang kuwento ng buhay ni Kakai Bautista ang tinaguriang Dental Diva, kung saan kamakailan nga lamang ng siya ay makapanayam ng TV host na si Boy Abuda o mas kilala bilang si Tito Boy, ay naibahagi ni Kakai ang buhay niya noon bago pa man siya maging isang artista, at proud nga niyang binanggit na noon ay isa siyang Wardrobe Assistant ng mahusay na singer na si Lea Salonga.

“Year 2000, sa “They’re Playing Our Song” sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo, ako po ay Wardrobe Assiistant ni Ms. Lea Salonga.”

Credits: Kakai Bautista | IG

Ayon pa sa tinaguriang Dental Diva, bilang isang Wardrobe Asst. ni Lea, ay parte ng trabaho niya lahat ng preparasyon para sa mga isususot nito, kagaya na lamang ng paglalaba at pag-steam ng mga kasuotan ng singer-actress.

“Ako po ang naglalaba ng undergarments. Ako po ang nag-i-steam, nag-aayos ang nagpi-prepare po ng lahat”, aniya.

Ikinuwento din ni Kakai, na kaya siya nakapasok sa mundo ng showbiz ay dahil sa direktor na si Frannie Zamora, na naging mentor nga niyasa community theater sa Laguna na siya ring nagdala umano sa kanya sa Maynila.

Credits: Kakai Bautista | IG

Samantala, inalala naman ni Kakai ang mga nakakatuwang pangyayari habang ginagampanan niya noon ang trabaho niya bilang Wardrobe Asst. kay Leah, kung saan nang sinusukatan nga umano niya ang singer-actress ay ikinagulat niya ng bigla itong maghubad sa kanyang harapan.

“Si Ms. Lea Salonga po, nung una ko siyang nnakita, kailangan ko po siyang sukatan… naghubad po siya. As in… tapos nakatulala lang ako ng matagal. Sabi niya, ‘ano Day? Day”

Photo Credits to the Owner

Pag-alala din ni Kakai na noon umano manood siya n isang show ni Lea sa bansang Amerika, kung saan ay kasama niya ang kaibigang aktres na si Maja Salvador, pagkatapos umano ng show ay ipinakilala siya ng singer-actress sa mga kasamahan nitong aktor sa show nito.

“Sinabi niya na, ‘This is Kakai. She was my former dresser in the Philippines but now she is a superstar.”

Photo Credits to the Owner

Mula nga sa pagiging isang wardrobe assistant noon ni Kakai kay Leah Salonga, ngayon nga ay isa na rin siya sa mga hinahangaang aktres sa mundo ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *