Angeline Quinto, Proud na Ipinasilip ang Property na Nabili Niya sa Alfonso, Cavite Mula sa Perang Iniwan sa Kanya ng Mama Bob Niya

Ikinagulat at ikinatuwa ng mga tagahanga ni Angeline Quinto ang naging kumpirmasyon nito kamakailan lamang ng kanyang pagbubuntis, kung saan ayon nga sa kanya ay nasa limang buwan na ang sanggol sa sinapupunan niya at ang ama nga nito ay ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Credits: Angeline Quinto | YT

Sa kabila naman ng pagdadalang-tao ngayon ng singer-actress, ay hindi pa rin ito naging hadlang upang mabigyan niya ng katuparan ang mga bagay-bagay na noon pa mang buhay ang kanyang Mama Bob ay pangarap na nga nila at ito nga ay ang naging pagbili niya ng isang property sa Alfonso, Cavite na ayon sa kanya ay isang lugar na talaga namang malapit sa kanyang puso.

Ibinahagi ni Angeline sa kanyang 16-minute vlog na hindi niya talaga inakala na siya ay makakabili ng lote sa nasabing lugar, lalo na at ayaw na ng sana nga niyang madaanan ang noon ay nilalakbay nga lamang nila na daan na ito patungo saTagaytay ng ang kanyang ina-inahan na si Mama Bob ay ma-stroke hanggang sa ito’y pumanaw.

Credits: Angeline Quinto | YT

“Nung nangyari iyon feeling ko hindi na ko makakabalik ng Tagaytay dahil ayokong puntahan, dahil ang daan na ‘yan ayokong maalala ‘yung nangyari na na-stroke siya”, ang naging kuwento ni Angeline.

Ngunit sa kabila nito, ay ibinahagi rin ni Angeline na na-realize din niya, na baka mas lalong malungkot ang kanyang Mama Bob sa kabilang-buhay kung patuloy nga siyang malulungkot sa pag-ala-ala sa mga bagay na nakakapagpalungkot sa kanya.

“So, ngayon ay gusto ko pong ibahagi sa inyo na mayroon kasing naiwan si Mama Bob na kaunting money sa akin. Iniwan niya ‘yon sa akin at naisip ko na baka pwede ko pong dagdagan kahit papa’no sa naipon ko para makapag-invest po ako ng magandang property dito po sa Alfonso, Cavite. Kasi ang Alfonso, Cavite po ay napakalapit din sa Tagaytay, hindi mahirap puntahan.”

Ayon kay Angeline, ang perang ipinambili niya sa property na itosa Alfonso, Cavite ay mula sa iniwang pera sa kanya ng Mama Bob niya, at ito nga ay dinagdagan lamang niya ng ipon niya.

Credits: Angeline Quinto | YT

Ipinakita rin ni Angeline sa kanyang vlog ang propery na kanyang binili, kasabay nito ay ibinahagi niya sa marami niyang mga tagasubaybay kung bakit maganda at wais na desisyon ang pag-invest sa real estate.

“Sana kayo rin, guys, kung gusto n’yo talaga na makapag-invest ng maganda para sa sarili at future ng family niyo, siyempre, sana makatulong itong ginawa ko today,” aniya.

“Sa lahat ng mga grabeng magtrabaho sa work nila, ‘yun lang po ang maia-advice ko sa inyo, siyempre gusto natin ‘yung mga pinaghihirapan natin ay may mapupuntahan talaga,” dagdag ng singer.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *