Alamin ang Dahilan ng Hindi Pagtatanggal ng Sunglasses ni Si Randy Santiago

Nakilala ng publiko sa mundo ng telebisyon si Randy Santiago o sa tunay na buhay nga ay si Randy Gerard Legaspi Santiago, bilang isang mahusay na komedyante at singer.

Maliban pa sa pagiiging comedian-singer ay isa ring songwriter si Randy, at kilala din siya bilang anak ng dating direktor na si Pablo Santiago. Kapatid rin niya sina Rowell at Raymart Santiago na pareho ring aktibo sa mundo ng showbiz.

Mas lalong sumikat sa industriya ng showbiz si Randy dahil sa kanyang mga awitin na “Babaero” at ‘Hindi Magbabago.” Taong 1998 naman ng siya ay mapabilang bilang isa sa mga host ng programang “Magandang Tanghali Bayan” o MTB.

Magmula ng siya ay magsimula sa entertainment industry ay naging trademark na nga niya ang pagsusuot ng sunglasses, na noon pa man ay tanong na ng marami kung ano ang dahilan. Kahit kailan kasi ay hindi pa nakita si Randy ng kanyang mga tagahanga ng walang suot na sunglass.

Nang makapanayam noon si Randy sa programang ‘Magandang Buhay’ ay kanyang naibahagi ang dahilan kung bakit hindi niya kailanman tinanggal ang shades niya. Binigyang linaw din ni Randy na hindi totoo ang inakala ng iba na nahulog siya sa motorsiklo kaya may nangyaring hindi maganda kanyang mata.

“Gusto niyong malaman ang tunay na nangyari sa mata, ito totoo kasi yung iba akala nila nahulog ako sa motorsiklo. Ang totoong nangyari sa mata ko, nung grade 2 ako nagkaroon ng cyst yung bukol sa may taas ng mata ko so the very first operation ok naman so kailangan ko umulit ng grade 2”, paglalahad ni Randy.

Dagdag pa niya, “Tapos lumabas na naman yung cyst ko inoperahan na naman. Dun nadale yung parang pang kurtina yung pang bukas sa kurtina, yun yung parang nadale ng Doktor, kaya hindi na bumuka, bumubuka pa naman kahit papaano.’

Ayon nga kay Randy, ang pagkakaroon niya ng cyst ang tunay na dahilan ng pagkasira ng kanyang mata, na dahilan upang hindi siya maghubad ng shades.

Paglalahad pa nga ni Randy, sa kabila ng nangyari sa kanya, ay hindi siya nakaranas na ma-bully noong siya ay nag-aaral, at nagpapasalamat siya at mababait ang kanyang mga naging kaklase.

Sa kasalukuyan ay masayang namumuhay si Randy Santiago kapiling ang kanyang asawa na si Marilou Coronel at tatlo nilang anak. Napapanood din natin siya ngayon sa “Sing Galing”, ang gameshow ng TV5 kung saan ay kasama niya sina K Brosas at Donita Nose na pareho ring mga komedyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *