Toni at Alex Gonzaga, Kinaaliwan ng mga Netizens ng Magmala-Miss Minchin at Princess Sarah Ngayong Halloween Kasama pa Nila si Seve na Nagmala-Cedie

Tuwing ika-31 ng Oktubre ay nakasanayan na ng maraming mga tao saan mang panig ng mundo ang mag-costume ng mga anumang naisin nila para sa pakikidiwang ng selebrasyon ng Halloween. Ang iba ay nagko-costume ng para sa katatakutan at ang iba naman ay ginagaya ang iba’t ibang karakter na kanilang naiibigan.

Credits: Toni Gonzaga | Photo

Ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ay muli din nakiisa sa pagdiriwang ng “Halloween” ngayong taong 2021, kung saan nito ngang ika-31 ng Oktubre mismong araw ng Halloween, ay nagbigay aliw ang magkapatid sa maraming netizens dahil sa naging pag-transform nila sa paboritong karakter nila.

Ngayon ngang Halloween na ito ay nagmala-Princess Sarah at Miss Michin nga sina Alex at Toni, kung saan ang mga karakter na ito ay hango sa populat na Tv series at pelikula noonng dekada 90 na Princess Sarah.

Credits: Toni Gonzaga | Photo

Nagkaroon sina Toni at Alex ng kanilang mini Halloween photo shoot sa loob ng bahay nila sa tulong nga ng Cocoon Studio PH.

Makikita sa ini-upload na larawan ni Alex sa kanyang Instagram account na kumpleto ang kanyang costume bilang si Princess Sarah, kung saan siya nga ay may basket at patatas pa siya. Ang costume na ito ni Alex ay hango sa naging buhay ni Princess Sarah nung ito nga ay naghirap na matapos niyang maulia.

Credits: Toni Gonzaga | Photo

Ang ibinahaging larawan na ito ni Alex ay nilakipan niya ng caption na tila nga may panunukso pa nga sa kanyang nakatatandang kapatid na si Toni.

“Si miss Minchin at si princess Sarah.. parang totoong buhay lang ah hindi costume [emoji] @cocoonstudioph.”

Credits: Toni Gonzaga | Photo

Samantala, maging si Toni din ay nagbahagi ng larawan nila sa kanyang IG account kung saan nga siya ay naka-Miss Michin costume habang tila kanyang inaapi si Alex na naka-mala Princess Sarah costume.

“I can turn a Princess into a maid… [emoji] #90skidsknowMe” ang naging caption naman ni Toni sa kanyang post.

Kasama rin nga nina Toni at Alex si Seve, ang anak ni Toni, na ang naging costume naman para sa Halloween ay ang popular din na karakter noong dekada 90 na si ‘Cedie.’

“Cedie” is actually “Miss Minchin’s son.”, saad ni Alex.

Credits: Toni Gonzaga | Photo

Dagdag pa niya, “Eto na anak pala ni Ms Minchin si Seve ay CEDIE pala, kawawang princess Sarah! [emoji]”

Bumuhos naman agad ang napakaraming mga komento para sa nakakaaliw ngang Halloween costumes nina Toni, Alex at Seve. Maliban sa mga netizens, ay ilan din sa mga kilalang artista sa showbiz ang nagkomento, tulad na lamang nina Winnie Wong, Maxene Magalona, Jot Losa (fasion designer), at ang lifetime consultant ng LoveLuxxe Bags na si Aimee Hashim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *