Sulyapan ang ‘Rental Home’ ng Mag-Asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano Habang Ginagawa Pa ang Kanilang Dream Home

Sa kasalukuyan ay naninirahan ang mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano sa isang rental home, ito nga ay habang ang kanilag dream house ay ginagawa pa lamang.

Credits: Jessy Mendiola | YT

Credits: Jessy Mendiola | YT

Samantala, nito lamang nakaraan sa latest vlog ng mag-asawa, ay masaya nilang ipinasilip sa publiko ang bahay na iuupahan nila, kung saan sa limang bahay nga na kanilang pinuntahan at tiningnan ay ang kasalukuyan nga nilang 4-bedroom rental home ang napili nila na tirhan at upahan habang nire-renovate nga ang dream home nilang mag-asawa.

Bago ipinasilip ng mag-asawang Jessy at Luis ang loob ng kanilang rental home, ay ibinahagi muna nila, na wala silang masyadong furnitures na binili, ito nga ay upang maiwasan din nila ang magalaw ang budget na nakalaan para sa kanilang sariling bahay.
Dagdag pa ni Jessy, dahil dadalawa pa lamang naman sila ni Luis, ay ayaw niya na masyadong malaking bahay.

Credits: Jessy Mendiola | YT

Nang ipinasilip na nga nila ang kanilang rental home, ay agad na mapapansin na sa kabila ng wala itong masyadong furniture, ay may mga dekorasyon naman sa loob nito na nagpapadagdag nga ng kagandahan nito.

Makikita ang ilangmga paintings at artworks na gawa ng ilang mga sikat na Filipino artists, kung saan ang mga ito nga ay ilan lamang sa mga koleksyon ni Luis Manzano. Makikita rin na ang ilan nilang mga kagamitan ay magagandang klase, kagaya na lamang ng kanilang sofa at dining set.

Credits: Jessy Mendiola | YT

Ipinasilip din ng mag-asawa ang sariling ‘cloffice’ ni Jessy o ang kanyang closet at office in one sa kanilang rental home, kung saan dito nga nakatago ang kanyang mga personal na gamit. Ayon pa sa mag-asawa, sa bahagi rin na ito ng kanilang bahay may puwesto si Jessy kung saan siya nag-iisip ng magiging content niya sa kanyang YouTube channel.

Ipinakita rin ng mag-asawa ang kanilang bathroom, na ayon nga kay Jessy ay napaka-simple lamang dahil ayaw nga nilang mag-out of budget.

Pagbabahagi pa ng mag-asawang Jessy at Luis, kaya rin nila nagustuhan ang rental home nilang ito, dahil sa pagkakaroon nito ng malawak na bakuran sa likod bahay. Dito nga nila inilagay ang outdoor gym ni Luis, at dito rin mas madalas na naglalaro ang mga alaga nilang aso.

Credits: Jessy Mendiola | YT

Sa tingin nga nilang mag-asawa, ay mga dalawang taon pa silang maninirahan sa kanilang rental home. Nagbiro pa nga ang aktres, na baka sa rental home pa nilang ito mabuo ang kanilang magiging unang supling ng asawa niyang si Luis.

Kahit nga walang mga kagamitan masyado ang rental home ng mag-asawa, ay masasabi namang kumporatble silang naninirahan dito, dahil sa malawak at maaliwalas ito.

Sa pagtatapos ng kanilang rental home tour ay pinasalamatan nina Jessy at Luis ang lahat ng nanood ng kanilang vlog. Pinasalamatan din nilang mag-asawa si Megan, ang di umanoy nasa likod ng napakagandang transformation ng kanilang rental home, kung saan nga maging ang old stuff umano nila ay nabigyang buhay pa rin nito at nagamit nito

Paaalala pa ng mag-asawa sa panahon ngayon, ay mas kailangan ang maging wais at praktikal, at hindi nga umano masama ang maging simple.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *