Sulyapan ang Pagdiriwang ng Kaarawan ng Miracle Baby ni Assunta de Rossi na Si Baby Fiore

Ang taong 2020 ay isa sa mga pinakamasayang taon sa buhay ng mag-asawang sina Assunta de Rossi, dating aktres at ng kanyang mister na si Jules Ledesma, isa namang business-politician. Ito ay dahil sa kabila ng pagkakaroon ng pangamba ng marami dahil sa pandemya, ay dumating naman sa buhay nila ang isang biyaya na noon pa nila hinihiling, at ito ay ang pagsilang ni Assunta sa kanilang ‘miracle baby’ na si Baby Fiore.

Matatandaan na si Baby Fiore ay isinilang noong ika-23 ng Oktubre taong 2020. Lingid sa kaalaman ng marami, kaya itinuring ng mag-asawa na ‘miracle baby’ ang panganay na anak nila, ay dahil 20-taon din nilang hinintay ang pagkakaroon nila ng sariling anak, ito nga ay dahil sa hirap ang dating aktres na si Assunta na magbuntis. Kung kaya, talagang milagro para sa kanila ang naging pagdadalang-tao at pagsilang nito sa kanilang unica hija.

Tunay namang ang panahon ay mabilis na lumilipas, sapagkat, parang kailan lamang ng isinilang si Baby Fiore, at ngayon nga ang munting sanggol noon, ay isang taong gulang na ngayon.

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ng dating aktres na si Assunta de Rossi sa kanyang Instagram account kung ano ang mga naging kaganapan sa kaarawan ng kanilang napakagandang anak.

Makikita ang naging IG post niya, ang ilang mga larawan na kuha sa naging selebrasyon ng 1-taong gulang na kaarawan ni Baby Fiore. Kalakip ng larawan ay ang mensahe ng pagbati ni Assunta para sa anak, at kung gaano siya nagpapasalamat araw-araw sa Panginoon dahil sa pagdating ni Baby Fiore sa buhay nila ng asawa.

“Everyday we thank the Lord for you. Happy Birthday, Little Miracle!” saad ni Assunta.

Maliban nga kay Assunta ay may isang tao pang malapit kay Baby Fiore ang lubos din na ipinagpapasalamat ang pagdating nito sa buhay nila, at ito nga ay walang iba kundi ang kapatid ni Assunta na si Alessandra de Rosi, isa ring TV actress.

“I, thank you Lord everyday for our greatsest miracle. We love you Fiore! Happy, happy birthday”, ang naging mensahe ng ani Alessandra sa kanyang Instagram post, bilang birthday message sa pinakamamahal niyang pamangkin. Kalakip nga nito ay ang ilang mga larawan niya, kasama ang napaka-cute na si Baby Fiore.

Maraming mga netizens rin ang hindi pinalampas na ibahagi rin ang kanilang pagbati para sa cute na si Baby Fiore.

“Happy birthday Baby Fiore! You’re God’d miracle.”
“An evidence of God’s goodness… happiest birthday baby Fiore.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *