Sulyapan ang Napakagandang “Bali-Inspired” Bridal Shower ng Soon-to-be-bride na Si Ellen Adarna Ilang Araw Bago ang Kanyang Kasal

Tila anumang araw ngayon ay ikakasal na ang soon-to-be-bride at aktres na si Ellen Adarna sa kanyang fiancée na si Derek Ramsay.

Credits: ellen_adarna2021 | IG

Ito ay matapos ngang ibahagi nito lamang ang naging isang surprise bridal shower para kay Ellen, kung saan ito nga ay isang ‘chillest’ at ‘chicest; bridal shower sapagkat inspired ito sa isa sa mga pabirtong lugar ng aktres, at ito ay ang Bali.

Malapit na malapit na nga ang pamamaalam ng aktres sa kanyang pagiging ‘single’. At sa naging selebrasyon nga ng kanyang surprise bridal party ay kasama niya ang ilan sa mga kapamilya niya at ilang mga taong malalapit sa kanya.

Credits: ellen_adarna2021 | IG

Ang intimate party na ito para sa aktres ay naganap sa garden ng isang pribadong lugar na matatagpuan sa Muntinlupa City. Dumalo sa selebrasyon na ito ang ina ni Ellen na si mommy Meriam at ang kanyang kapatid na si Mika Adarna.

Makikita naman na talagang napakabongga ng pagkakaayos ng intimate bridal shower na ito ng aktres, lalo pat ang ito nga ay ginawa ng mga mahuhusay na event stylist na Metro Eventscape, Gideon Hermosa, Michael Ruiz, and Teddy Manuel.
In-enjoy din ng mga naging bisita ng aktres ang mga nakahaing masasarap na pagkain na inihanda naman ng Carlo catering.

Credits: ellen_adarna2021 | IG

Hindi rin naman nawala sa selebrasyon ang soo-to-be-husband ni Ellen na si Derek, dahil bang gabi ay dumating ito, matapos ang pakikipaglaro nito ng golf sa kanyang mga kaibigan habang hinaganap ang kanyang stag party.

Nito nga lamang ika-10 ng Nobyembre, araw ng Miyerkules sa Instagram ng account ng events planner na si Chinkie Uy ng Metro Eventscape, ay ibinahagi nito na ang nasa likod umano ng Bali-themed bridal shower ng aktres ay si Samantha Pfleider Amigo-Laurel.

Pinasalamatan din niya ang mga naging katuwang niya sa pagpapaganda ng dekorasyon sa hardin kung saan ginanap ang bridal shower ni Ellen Adarna, at ito nga ay sina Gideon, Michael at Teddy.

Credits: ellen_adarna2021 | IG

Samantala, sa isang short chat via Instagram’s direct message, ay ibinahagi naman ng isa sa mga event stylist na si Teddy kung bakit ang Bali inspired theme ang napili nila parsa sa bridal shower ng aktres. At dito nga napag-alaman na paboritong lugar ni Ellen ang Bali. Dagdag pa niya, mas ginawa lang nilang modern ang dekorasyon, na nilagyan nga nila ng white at green motifs gamit ang mga lokal na dekorasyon.

“Bali is her favorite place but we made it a little modern in white and green motifs”
“We used mga locally made decors and flowers po.”

Credits: ellen_adarna2021 | IG

Makikita naman sa Instagram account ni Ellen nito lamang nakaraang araw ng Martes, ang naging pagbabahagi niya ng larawan, kung saan ay makikitang tila isang happy family sila, kasama niya ang kanyang fiancée na si Derek at ang mga anak nila na sina Austin at Elias.
Ang larawan naman na ito ng aktres ay nilakipan niya ng caption na;

“The only Decent Family Picture [emoji](ayaw ko na ng party! Ayaw ko na ng surprises! Pagod na ko, pagod na kami!) Hahaha.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *