Sulyapan ang Masayang Buhay Pag-Ibig ng Aktor na si Joko Diaz sa Piling ng Nag-Iisang Babaeng Nasa Puso Niya

Madalas na napapanood natin ang aktor na si Dioko Diaz sa mga pelikula o palabas sa telebisyon na ang karakter ay kontrabida o di kaya nga ay ‘bad guy’.

Credits: Joko Diaz | IG

Ang isa sa kanyang mga mahuhusay na pag-ganap bilang kontrabidang karakter na talaga namang ipinakita niya ang kanyang husay ay ang pagiging si Senator Mateo F. De Silva sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ngunit ang talaga namang naging karakter niya na pinakainisan ng maraming manonood ay ng mapabilang siya sa seryeng Kadenang Ginto, kung saan gumanap siya bilang si Andro Domingo, isang lider ng sindikato, na siyang nanguna sa pag-kidnap kay Cassie, isa sa mga bida na ginampanan naman ni Francine Diaz.

Credits: Joko Diaz | IG

Marahil nga kung titignan natin ang ipinapakita ni Joko Diaz sa kanyang mga nagiging proyekto kung saan nga ay kontrabida ang kanyang mga nagiging karakter, ay masasabi nga nating tila napakasama na ng kanyang ugali, ngunit ito nga ay malayong-malayo sa kanyang totoong personalidad sa tunay na buhay.

Lingid sa kaalaman ng marami sa atin na si Dioko Diaz ay “one woman man”, sapagkat, kahit ang kanyang taglay na kagwapuhan at karisma ay tila pang ‘playboy’ ang datingan ay pinatunayan naman niya na siya ay tapat magmahal, dahil hanggang ngayon ay matibay at masaya ang pagsasama nilang mag-asawa.

Credits: Joko Diaz | IG

Si Joko ay labing-walong taon ng kasal sa kanyang napakagandang misis na si Abigail. Maliban sa pagiging kanyang kabiyak, ay ito rin ang ina ng kanyang dalawang anak na sina Ashley at Pacquie. Sila nga ang iinuturing na kayamanan ni Joko sa kanyang buhay.

Hindi man natin alam ang ‘love story’ ni Joko at ng kanyang misis na si Abigail ay makikita naman sa pagsasama nilang mag-asawa kung gaano sila kasaya at minamahal ang isa’t isa.

Sa social media account ng mag-asawa, ay makikita nga ang madalas nilang pag-jamming, kumain sa labas o di kaya naman ay mag-travel together o kaya kasama ang kanilang mga anak.

Credits: Joko Diaz | IG

Makikita rin sa social media account ni Abby na isa itong masuportang asawa, dahil talagang ipinapakita niya ang suporta niya kay Joko bilang isang aktor, sa pamamagitan ng pag-promote ng proyekto ng kanyang asawa sa kanyang Facebook account.

Kamakailan nga ay nagdiwang ang mag-asawa ng kanilang ika-19 taong anibersaryo, at ang tanging hiling lamang nga nila ay ang mas lalo pang bumuhos ang biyaya sa kanila at lalo pang tumatag ang kanilang pagsasamang mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *