Nagpakilalang ‘Illegitimate Child’ ni Richard Yap Nagsampa ng Kaso sa Aktor Upang Kilalanin Siya Nitong Anak

Isang kontrobersiya ngayon ang kinahaharap ng aktor na si Richard Yap o mas nakilala ng publiko bilang si Sir Chief sa serye noon na ‘Be Careful With My Heart.’

Sa kasalukuyan ay tatakbo nga bilang kogresista sa Cebu City 1st District si Richard Yap, at sa kanyang pagpasok sa politika, ngayon nga ay may kinahaharap siyang kontroberisya.

Ngayon nga ay isang kontroberisya ang kinahaharap ni Sir hief o Richard Yap, ito ay matapos na magsampa ng kaso laban sa kanya ang isang 24-taong gulang na lalaki na mula sa Bacoor Cavite, ito nga ay dahil umano sa hindi niya ito kinikilalang anak.

Ang lalaki ngang ito ay kinilalang si Joshua Paolo Jensen, na ngayon nga ay kasalukuyang naninirahan sa Barangay Sambang II, Cebu City. Ibinihagi niya na noong napapanood pa sa bilang isang chef sa Chowking Commercial ang aktor na si Richard Yap, ay itinutro ito ng ina niya si Cherie Mae Valdez Jonson sa kanya, at natatandaan nga niyang sinabi nito na ito ang kanyang ama.

Paglalahad pa niya, siya ay isinilang noong ika-5 ng Oktubre taong 1997, at natatandaan niya pa nga ng ituro sa kanya ng ina niya ang patungkol sa kanya ngang ama, na wala iba nga kundi ang aktor umanong si Richard Yap.

Dagdag pa niya, labing dalawang taon na mula ng magsimula siyang hanapin ang kanyang ama, hanggang sa ito nga ay kanya umanong natunton at nakipag-uganayan siya dito.

“Nagulat ako doon. Hindi na ako tumigil kakahanap sa kaniya. Nag-contact ako through Facebook, social accounts, sa wife niya, sa anak niya, wala po. Blinock lang nila ako. Matagal ko na siyang hinahanap,” saad ni Jenson.

Pahayag pa niya, “Wala naman akong masamang intensyon. Ang gusto ko lang naman ay ilaban yung rights ko…Kung talagang totoo yung intensyon niya sa mga Cebuanos, paano nya maayos na maseserbisyohan nya kung sarili nyang anak di nya mapanindigan.”

Nang magbigay naman ng kanyang pahayag ang aktor na si Richard Yap, ay kanyang sinabi na tingin niya ay pinopolita lamang siya ng kanyang mga kalaban, lalo na nga’t ngayon ay tatakbo siya bilang isang kongresista.

Ipinagtataka niya umano na sa tagal na niyang aktibo sa showbiz, matapos ang kanyang naging paglabas sa Chowking commercial. Matatandaan pa nga na siya ay mas lalong sumikat ng maging si Sir Chief siya sa Be Careful With My Heart, ang naging serye niya noon sa una niyang network na “ABS-CBN.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *