Mygz Molino Naging Emosyonal sa TBATS ng Muling Pag-Usapan at Balikan ang mga Panahong Nabubuhay at Kasama Pa Niya Si Mahal

Ikinagulat ng publiko ang biglaang pamamaalam ng isa sa mga sikat na komedyante sa showbiz na si Noemi Tesorero o mas nakilala nga ng publiko sa kanyang screen name na ‘Mahal’. Noon ngang ika-31 ng Agosto ay lumabas ang isang nakalulungkot na balita, at ito nga ay ang naging biglaang pagpanaw ni Mahal.

Photo Credits to the Owner

Talaga namang marami ang nalungkot sa balitang ito, lalo na’t hindi lamang hinahangaan si Mahal bilang isang mahusay na komedyante, kundi marami rin ang nagmamahal sa kanya dahil sa kanyang personalidad na puno ng kabutihan.

Samantala, dalawang buwan na nga ang lumipas ng mamaalam si Mahal, ngunit lubos pa rin ang nadaramang kalungkutan ng mga taong malalapit sa kanya, at isa na nga rito ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Mygz Molino.

Nito nga lamang nakaraan ay naging guest si Mygz sa “The Bobay and Tekla Show”, at sa naging pagpanayam nga kay Mygz ay hindi nito napigilan ang maging emosyonal. Hindi nga napigilan ni Mygz na bumuhos ang luha sa kanyang naging kauna-unahang pag-guest at interview matapos ang naging papamaalam ni Mahal.

Photo Credits to the Owner

Bago nga magsimula ang mga katanungan para kay Mygz, ay binalikan at inalala una ng nasabing programa ang mga iniwang masasayang alaala ni Mahal sa industriya ng showbiz. At dito nga ay mas lalong napaiyak si Mygz ng makita na nga niya ang mga video ni Mahal.

Naitanong naman kay Mygz kung ano nga ba ang pinakanami-miss niya kay Mahal, kung saan ito ay hindi nga niya agad nasagot dahil sa kanyang pagiging emosyonal. Nang mahimasmasan na nga ang indie film actor, ay sinabi nga nito ang napakaraming mga bagay na nami-miss niya kay mahal, kabilang na nga rito ay ang ngiti at tawa nito na talaga namang nagpapasakanya at maging sa kanyang pamilya.

Naibahagi rin ni Mygz, na ang makagawa pa ng maraming mga vlog ang ilan lamang sa gusto pang gawin ni Mahal nu’ng nabubuhay pa nga ito. At kasabay nito ay ang pangako niya na patuloy niya pa ring gagawin ang mga nais pang mga achieve ni Mahal noon ngang ito ay nabubuhay pa.

Photo Credits to the Owner

Marami naman sa mga naging tagasuporta nina Mahal at Mygz ang tumutok sa panayam na ito ang hindi rin napigilan ang maging emosyonal, ng makita nga nila ang emosyon na binata na punong-puno pa rin ng pagdadalamhati.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

“I shed a lot of tears seeing Mygz bunso crying. I felt his pain inside.”

“grabe! Ang sakit sa dibdib umpisa pa lang ramdam na ang sakit at lungkot na nararamdaman ni bunso Mygz.”

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *