Mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla, May Handog na Pabahay sa Kanilang mga Kasambahay na Kung Ituring Nila ay “Angels” ng Kanilang Tahanan

Isa sa mga celebrity couple na hinahangaan dahil sa kanilang maayos na pagtrato sa kanilang mga kasambahay ay ang mag-asawang Mariel at Robin Padilla.

At muli ngang pinatunayan ng mag-asawa kung gaano nila pinahahalagahan ang kanilang mga kasambahay, ito nga ay matapos nilang handugan ang mga ito ng libreng pabahay, kung saan sila nga ay nagpagawa ng apartment para sa mga ito.

Ayon nga kay Mariel, nung panahon ng pandemya ay talaga namang naging mahigpit sila sa lahat ng mga pumapasok at lumalabas sa loob ng kanilang bahay, kaya naman batid nila na ang mga kasamabahay nila ay labis ng nami-miss ang pamilya ng mga ito.

Dahil sa nakita nilang kalagayan ng kanilang mga kasambahay sa panahon ng pandemya, kung saan ay namimiss ng mga ito ang kani-kanilang pamilya, ay napag-isipan ng kanyang asawa, na bigyan ng pabahay ang kanilang mga kasambahay, ito ay bilang pasasalamat na rin nila sa pagmamahal at matapat na paninilbihan ng mga ito sa kanila.

Sa kanyang vlog sa Youtube channel niya ay ikinuwento ni Mariel kung paanong ang asawa niyang si Robin Padilla ay naantig sa kalagayan ng kanilang mga kasambahay ng padalhan nga nila ang mga ito ng ayuda ng magsimula ang community quarantine sa ating bansa.

Dito na nga nagdesisyon ang kanyang asawang si Robin na magpagawa ng apartrment sa may compound ng Museo Padilla, para naman mmagkaroon ng maayos na matitirhan ang kanilang kasamabahay at ang pamilya nito.

Labis naman ang pasasalamat ng mga kasambahay ng mag-asawa dahil sa napakagandang biyaya nga na ipinagkaloob sa kanila, at isa nga sa kanilang mga kasambahay

Malaki ang naging pasasalamat ng kasambahay ng mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla sa kanila, ito ay dahil sa biniyayaan nila ang mga ito ng pabahay, na matatagpuan sa isang apartment compound na ipinagawa ni Robin Padilla.

Isa nga nga sa mga kasambahay nila na nabigyan nila ng pabahay, ang midwife na kasama nila sa loob ng bahay na tatlo at kalahating taon na rin na naninilbihan sa kanila.

Ang iba namang mga kasambahay nina Mariel at Robin ay umiiyak na nagpasalamat sa kanilang mag-asawa, at ayon nga sa mga ito ay tatanawin nilang malaking utang na loob sa mag-asawa ang libreg pabahay na ipinagkaloob ng mga ito sa kanila.

Para naman kay Mariel, ay ‘deserve’ ng kanilang mga itinuturing na angels sa loob ng kanilang bahay ang biyayang natanggap ng mga ito mula sa kanilang mag-asawa.

THE HOUSE OF US [MARIEL PADILLA VLOG]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *