Kilalanin ang Maganda at Talentadong Dalagang Anak ni Wendell Ramos na Si Tanya Sabel

Si Wendell Ramos ay isa sa mga Kapuso actor na hinahangaan ng marami dahil kanyang ipinamamalas na husay sa pag-arte sa bawat karakter ngang ginagampanan niya sa mga proyektong kanyang ginagawa.

May mga pagkakataon na ang nagiging karakter niya sa kanyang mga teleserye, ay isang mabuting ama, kagaya na nga lamang ng naging karakter niya sa GMA series na “Prima Donna’s” kung saan siya nga ay mayroong talong magagandang anak na babae sa proyektong ito.

Hindi nga lamang sa serye gumaganap na isang mabuting ama si Wendell, dahil maging sa tunay na buhay, ay isa din siyang mabuti at responsableng ama sa kanyang mga anak.

Sa totoong buhay nga ay mayroong ding isang magandang dalagang anak ang Kapuso actor, at ito ay walang iba kundi ang unica hija niyang si Tanya Sabel.

Nakilala ng publiko si Tanya nang ang kanyang amang si Wendell ay magbahagi ng isang video, kung saan ay makikita na silang dalawa ay umaawit ng sikat na kanta noon ng grupong Extreme noong 1991 na “More Than Words.”

Kalakip ng ibinahaging video na ito ni Wendell ay ang caption na;

“Proud of nak! @tanyasabelramos though alam ko, this is the first time for you to sing this song…still you rock!”

Nakatanggap ng mahigit 1.8 milyon na views ang video na ito ng mag-ama. At bumuhos agad ang napakaraming mga komento, kung saan ay marami nga ang pumuri sa galing at husay ni Tanya sa pagkanta.

Nag-iisang anak na babae ni Wendell si Tanya. Sa kanyang tatlong anak, ay ito ang bunso, at ang dalawa naman ay nakatatandang kapatid nito.

Sa eda na 15-taong gulang ni Tanya, ay aakalain ngang dalagang-dalaga na ito, dahil sa taglay din nitong tangkad, kung saan ay namana niya ito sa kanyang ama.

Itinuturing ni Wendell na ‘Love of my Lfe’ ang nag-iisa niyang anak na babaeng si Tanya, at kahit na ito ay dalaga na, ay itinuturing pa rin siya ng kanyang mga kuya na kanilang ‘forever baby’.

Marami naman ang nakapapansin ng mala-artistang kagandahan ni Tanya, at dahil nga rito ay marami ang nagsasabi na maari ring sundin ng dalaga ang yapak ng kanyang ama at pasukin ang industriya ng showbiz kung nanaisin nito.

Sa kasalukyan ay pokus si Tanya sa kanyang pag-aaral, lalo na’t ang pangarap nga ng kanyang mga magulang ay ang makapagtapos sila ng pag-aaral.

9 Replies to “Kilalanin ang Maganda at Talentadong Dalagang Anak ni Wendell Ramos na Si Tanya Sabel

  1. Askіng questions aгe actually fastidious thing if you ɑre not understanding anything compⅼetely, but
    this paragraph gives nicе understanding yet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *