Kahit na Walang Makeup, Barbie Imperial Hinangaan ng Marami Dahil sa Kanyang Taglay na Natural na Kagandahan

Si Barbie Imperial ay isa sa mga aktres na hinahangaan ng marami hindi lang sa kanyang pagiging isang mahusay na artista kundi dahil din sa kanyang kahanga-hangang ganda.

Ang kanyang pangalan na “Barbie” ay agad ng sumisimbolo sa kagandahan na taglay niya na mala-manyika at hindi nakakasawa. Mapa-telebisyon man o social media ay marami ang inaabangan siya, at ninanais na masilayan ang kanyang mukha.

Maliban sa taglay na ganda ay hahangaan din ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan ni Barbie Imperial. Kahit sunod-sunod ang kanyang mga trabaho ay sinisiguro ni Barbie na hindi niya napapabayaan ang kanyang pangangatawan sa pamamagitan nga ng tamang disiplina sa kanyang pagkain at ang pagwo-workout.

Sa bawat larawan nga na ibinibahagi ni Barbie sa kanyang Instagram account ay agad itong umaani ng mga komento at reaksyon mula sa kanyang mga tagahanga, kung saan ay marami nga ang nagbibigay papuri sa taglay na kagandahan at kaseksihan ng aktres.

Ilan nga sa mga larawan ni Barbie na talaga namang hinangaan ng marami, ay ang kanyang ‘selfie photo’ kung saan ay makikita ang kanyang natural na kagandahan dahil sa wala man lang siyang makeup.

“Bare and kulot [emoji] happy weekend everyone [emoji]”

Maliban pa dito, ay mas lalo pang pinahanga ng Kapamilya actress ang kanyang mga tagahanga ng ibida niya sa kanyang beach vacation ang napakagandang hubog ng kanyang katawan suot ang mga magagandang swimwear na bagay nna bagay naman talaga sa kanya.

“Wow OMG you have a beautiful body and legs my dear.”

Tunay ngang hindi nakakasawa ang taglay na kagandahan ni Barbie, kung kaya naman marami anghinangaan siya, idagdag pa ang pagiging isa niyang mahusay na aktres kung saan bawat karakter nga na kanyang ginagampanan sa mga proyektong ginagawa niya ay talaga namang mahusay niyang nagagampanan at nabibigyan niya ng buhay.

Ang huling proyekto na kanyang ginawa ay ang “Bagong Umaga”, kung saan ay nakasama niya ang ilan din sa mga mahuhusay na aktres at aktor na sina Haven Peralejo, Kiko Estrada, Tony Labrusca, Yves Flores at Michelle Vito.

Sa kasalukuyan ay ‘happy in love’ si Barbie sa kanyang boyfriend na aktor na si Diego Loyzaga at may mga ulat nga na lumabas na may proyektong pagbibidahan ang magkasintahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *