Julia Barretto, Pinasok na Rin ang Pagnenegosyo, Binuksan Na ang Kauna-Unahan Niyang Accessory Brand na “The Juju Club”

Maramin mga celebrity ang ini-invest sa negosyo ang perang kanilang pinagpagura, ito ay dahil batid nila na ang kasikatan at kanilang karera bilang isang artista ay wala nga namang kasiguraduhan kung hanggang kailan.

Ngayon ay maaring sikat na sikat ka, ngunit maaring sa isang iglap ay mawala ang iyong kasikatan lalo na kung may mga bagong umuusbong na artista.

Nag-iinvest ang ilang mga artista sa pagne-negosyo, upang maging handa rin kung sakaling matigil o magretiro na sila sa pag-aartista ay may pagkaka-abalahan pa rin sila at mayroon pa ring magiging ‘income’.

Isa nga sa mga aktres ngayon na pinasok na rin ang pagnenegosyo ay ang mahusay at magandang aktres na si Julia Barretto.

Nito nga lamang araw ng Sabado, ika-6 ng Nobyembre ay ibinahagi ni Julia sa publiko sa pamamagitan ng kanyang social media account na maari na ngang mamili ng mga accessories mula sa The Juju Club brand, via sa isang popular na ecommerce platform.

Ang naturang brand nga na ito ay nagbebenta ng mga magagandang accessories, kagaya na lamang ng retro clips, hats, eyewear, rings at marami pa ngang iba.

Matapos ngang ibahagi ni Julia ang kanyang pag-lauch ng brand online,kasunod naman nito ay ang naging pasasalamat niya sa mga customer na agad na nagpakita ng kanilang suporta.
Narito nga ang kabuuang post ni Julia sa kanyang soc med account;

“Our dearest Juju friends, I don’t know where to start. Blessing over blessings. Thank YOU for your mad support, I sleep with SO much gratitude in my heart. I am aat a loss for words.
I am so overwhelmed, and all in the most positive way. Thank YOU. This is a dream come true.”

Pagbabahagi nga ni Julia, ay mga nangyayari ngayon ay katuparan ng kanyang pangarap.
Agad namang bumuhos ang mensaheng ‘congratulations’ para sa aktres mula sa kanyang mga tagahanga dahil sa naging pakikipagsapalaran nito sa negosyo.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

“Always proud of you, Juju!”
“We love youuu!!! You deserve all of this Ju.”

Si Julia Barretto ay isa sa mga hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz. Mula siya sa angkan ng mga artista, dahil ang kanyang ina na si Marjorie Barretto ay isa ring dating aktres, samantala ang ama naman niya na si Dennis Padilla ay isang aktor, kung kaya hindi kataka-taka na namana niya sa mga magulang niya ang kanyang husay sa pag-arte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *