Hindi Napigilang Kiligin ng mga Kaibigan ng Kapatid ni Joshua Garcia na Nag-Guest sa Vlog ng Kanila Ngang Makita ang Gwapong Aktor

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging reaksyon ng mga kaibigan ng kapatid ni Joshua Garcia ng kanila ngang masilayan sa personal ang gwapong aktor.

Si Joshua Garcia ay kilala at hinahangaan ng publiko bilang isa sa mga mahuhusay na aktor sa industriya ng showbiz. Hindi nga lamang ang husay ni Joshua sa pag-arte ang hinahangaan sa kanya, kundi nagbibigay kilig at paghanga sa marami ang taglay na kagwapuhan ng binatang aktor.

Nagsimulang mahalin ng publiko si Joshua Garcia, noong taon 2015, nung isa siya sa mga maswerteng nabigyan ng pagkakataon na mapabilang bilang housemate’s ng reality tv show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.

Samantala, pagdating sa personal na buhay ng aktor, ang mga magulang niya ay sina Geo Garcia at Marife Espineli, at siya ay may isang nakatatandag babaeng kapatid na mas matanda lamang ng isang taon sa kanya.

Si Renza, o sa buong pangalan ay Lorenza Mae ay ang nag-iisa at nakatatandang kapatid ni Joshua. Maliban sa pagiging isang ‘Stage Sister’ sa kanyang kapatid na aktor, ay isa ring mapagmahal at maasikasong ina si Renza sa kanyang anak na si Skyler.

Katulad ng kanyang kapatid, ay may angking kagandahan din si Renza, na maaring isabak sa pag-aartista. Ngunit mas nais nito ang pribadong buhay, kaya ito ay nagtatrabaho bilang isang tech dermatologist sa isang cosmetic clinic.

Malaki nga ang pasasalamat ni Renza sa kapatid niyang si Joshua, dahil sa pagmamahal at suporta na ibinigay nito sa kanilang pamilya, maging sa kanyang anak, na pamangkin nga ng aktor.

Marami ang hindi nakababatid na si Renza ay isang ‘single mother’, ngunit ayon nga sa kanya, ay hindi naman niya ito ramdam, dahil mas matimbang ang nararamdaman niyang suporta at pagmamahal ng kapatid niyang si Joshua, at ng kanilang buong pamilya.

Samantala, nito nga lamang nakaraan ay naging usap-usapan sa social media ang isang video vlog na ini-upload ni Renza sa kanyang YouTube channel, kung saan ito nga ay kinunan sa loob ng kanilang bahay. Ito ay pinag-usapan, dahil sa nakakatuwang reaksyon ng mga kaibigan niyang guest niya sa vlog, ng masilayan nga ng mga ito ang kanyang kapatid na si Joshua.

Sa video nga ni Renza na pinag-uusapan ngayon ay makikita ang naging pagbaba ni Joshua sa hagdan ng kanilang bahay, at kitang-kita naman kung paano pinigilan ng kanyang mga kaibigan ang kilig ng makita nga ng mga ito ang kanyang kapatid na aktor.

Hindi na nga napigilan ng kanyang mga kaibigan ang mga tili at ilabas ang kilig na kanilang nararamdaman ng ang aktor ay umakyat na upang marahil ay bumalik sa silid na nito.

My Friends Roasted Me | Renza Garcia

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *