Hindi Napigilan ng Aktor na si Dennis Padilla ang Maging Emosyunal Matapos Aminin kay Ogie Diaz ang Kanyang Matinding Pinagdaanan

Sa nasabing vlog kasi ay ibinahagi ni Dennis ang mga hirap at pagsubok na kanyang pinagdaanan sa kanyang buhay bilang isang ama at asawa. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami ang naging nakaraan ni Dennis at dati nitong asawa na si Marjorie Barretto kung saan ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng 3 anak, sina Julia, Claudia at Leon. Ngunit, ang kanilang matamis na pagmamahalan ay nauwi sa hiwalayan.

Credits: Ogie Diaz | YT

Inamin ni Dennis sa panayam, na siya umano ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay ni Marjorie noon. Pag-amin nga ni Dennis noon raw ay wala siyang lakas ng loob na aminin ang kanyang pagkukulang at pagkakamali. Ayon nga kay Dennis dahil kanyang pagkakamali at pagkukulang, ay nawala ang pagmamahal ni Marjorie sa kanya hanggang sa makatagpo ito ng isang bagong pag-ibig sa katauhan ng isang responsable at mapagmahal na lalaki.

Isang bagay naman ang gumising sa kanya sa kanyang mga nagawang kasalanan at siya ring sumubok ng kanyang pananampalataya sa Diyos. Nong buwan ng Marso, ay nahawa si Dennis ng matinding karamdaman na COVID-19.

Sa nasabing vlog, ay ibinahagi ni Dennis ang hirap na kanyang pinagdaanan upang labanan ang dumapong karamdaman. Halos malagay nga sa bingit ang buhay ni Dennis sa sobrang hirap huminga. Ngunit, nilakasan ni Dennis ang kanyang loob na lumaban kung saan ay matinding pagdarasal ang kanyang ginawa. Inabot ng P1.2 million ang bill niya sa hospital ngunit maliit na halaga lamang kanyang inilabas dahil maraming kaibigan ang tumulong sa kanya.

Credits: Ogie Diaz | YT

Umabot rin raw sa puntong pinaghandaan na niya ang kanyang pagpanaw kung saan ay nagsulat na siya ng kanyang last will para maging maayos ang kanyang pagkawala. Sa kabila ng hirap na naranasan ay napakalakas naman ang kanyang loob ng mensahe ng kanyang mga anak na talagang ipinagdasal siya. Lalo na si Julia na nakausap niya upang palakasin ang kanyang loob.

Isinuko na nga ni Dennis ang lahat sa Diyos, dahil sa ibinigay na pangalawang buhay sa kanya. Isang bagong pagkakataon upang humingi ng kapatawaran sa kanyang mga maling nagawa at upang ayusin o baguhin ang kanyang buhay. Walang kapantay na saya at pasasalamat ang nadarama ni Dennis matapos mabigyang ng pangalawang buhay. At ngayon nga, anuman ang mangyari sa kanya ay ipinagpapasa-Diyos na niya ang lahat.

Samantala, napag-usapan rin ang tungkol sa pagpapalit ng apelyido ng kanyang mga anak na dating Padilla at ginawang Barretto. Pag-amin ni Dennis, ay masakit sa kanya bilang ama ng kanyang mga anak na baguhin ang apelyido ng mga ito. Ngunit, kung ito ang talagang nais ng kanyang mga anak, ay wala na umano siyang magagawa. At takot rin raw siyang tanungin ang mga ito tungkol sa bagay na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *