‘Happy birthday, our forever baby girl’: Panganay Na Anak Nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan, Masayang Nagdiwang Ng Kanyang Ika-17 Taong Kaarawan

Hindi nga halos makapaniwala ang aktres na si Judy Ann Santos na ang batang kanyang inalagaan noong siya’y 26 taong gulang pa lamang at wala pang asawa, ay isa nang ganap na dalaga ngayon. Nito lamang ika-8 ng Nobyembre ay masayang ipinagdiwang ng panganay na anak nina Juday at Ryan Agoncillo na si Yohan ang kanyang ika-17 taong kaarawan.

Matatandaan na hindi pa asawa ni Juday si Ryan, ay nasa poder na niya si Yohan. Kaya naman, nang maikasal ang dalawa ay parang tunay na anak na rin ang turing ni Ryan sa adopted child ni Juday. At hindi nga maikakaila na kahit may dalawang anak na sina Ryan at Juday na sina Lucio at Luna, ay hindi nagbago ang pagmamahal nila kay Yohan.

Hindi nga nagkukulang ang mag-asawa na iparamdam ang pagmamahal sa kanilang anak na si Yohan. At sa espesyal na araw nga ni Yohan, sa tuwing ipinagdiriwang ang kaarawan ay talagang nagkakaroon ng isang masayang selebrasyon. Matatandaan na noong nakaraang taon sa pagdiriwang ng birthday ni Yohan sa gitna ng pandemya ay nagkaroon ito ng virtual party na dinaluhan ng kanilang mga kaibigan.

At para ngayong taon nga, bagama’t nasa gitna parin ng pandemya, ay hindi rin makakalimutan ni Yohan ang masayang pagdiriwang ng kanyang 17th birthday kapiling ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Tiniyak naman ni Juday na espesyal ang araw na ito para sa kanyang anak. At sa isang Instagram post nga, ay ipinaabot ni Juday ang kanyang nakakaantig at puno ng pagmamahal na mensahe ng pagbati para kay Yohan.

“17!!??? What???? No!!!! Oh my sweet baby love… my answered prayer, my twin in so many ways ( kahit ako nagugulat. ) it’s amazing how we saw you grow up and mature right before our very eyes.. you’re doing great my love… life can be tough and unforgiving.. but, don’t you worry my dear love. Mommy and Daddy will be behind you all the way. ( hanggang manabang ka! ) we love you so much sweetheart.. happy birthday, our forever baby girl. PS. next year.. pabaliktad na bilang natin ng edad mo ah!”

Mababakas rin sa mensahe ni Juday ang walang sawang pagsuporta sa kanilang panganay ni Ryan. Biro pa ng aktres, sa susunod na taon ay pabaligtad na raw ang bilang nila sa edad ni Yohan.

Samantala, minsan naman nang ibinahagi ni Juday sa isang panayam kung paanong nabago ang buhay niya sa pagdating ni Yohan.

“I prayed for her. I asked the Lord in every single prayer, parati ako nagpupunta sa adoration chapel noong dalaga ako na, ‘Lord, sana kapag 26 na ako, magkaroon ako ng anak na babae. I don’t know kung bakit ang specific nung edad. Hindi ko alam kung saan nanggaling, but at 26, I got Yohan. It changed my whole being.”

Taong 2009 nang ikasal sina Juday at Ryan, at sa kaparehong taon rin ay legal nang inako bilang tunay na anak ni Ryan si Yohan. Maliban kay Yohan ay may dalawa pang anak sina Juday at Ryan, sina Lucio at Luna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *