First Night Nina Ellen Adarna at Derek Ramsay Bilang Mag-asawa, Naudlot Matapos Makatulog Ang Ina Ni Ellen sa Kanilang Silid

Hindi nga sukatan ang tagal ng pinagsamahan para sa isang tunay at wagas na pagmamahalan. Ito nga pinatunayan ng celebrity couple at newly weds na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Ang kanilang matamis na pagmamahalan na nagsimula noong nakaraang buwan ng Pebrero ay nauwi sa pag-iisang dibdib nito lamang ika-11 ng Nobyembre.

Credits: Ellen Adarna | IG

At pagkatapos nga ng pag-iisang dibdib ng bagong kasal ay pinakainaabangan ang unang gabing sila’y magtatabi bilang mag-asawa. Ngunit, ang pinakahihintay na gabi na ito ay naudlot matapos ngang makatulog ng ina ni Ellen sa kanilang silid ni Derek.

Hindi nga mapigilan ni Ellen na matawa nang ibahagi ang nakakatawang pangyayaring ito sa unang gabi nila ni Derek bilang mag-asawa. Marahil nga, ang kanilang wedding night ang pinaka-memorable na kaganapan sa kanilang buhay mag-asawa. At talagang hindi nga nila ito makakalimutan dahil sa nakakatuwang nangyari sa kanilang wedding night.

Credits: Ellen Adarna | IG

Sa Instagram stories, ay unang binahagi ni Derek ang video kung saan nagkwento ang aktor tungkol sa nakakatuwang pangyayari pagkatapos ng kanilang kasal. Ayon nga sa aktor, sa unang gabi bilang mag-asawa ay nakasama nilang matulog sa kanilang silid ang ina ni Ellen.

“Love , you know I love you right? Imagine, on our wedding day, our wedding night… ended where I slept with you and your mom.”

Credits: Ellen Adarna | IG

Hindi naman mapigil ni Ellen ang kanyang malakas na tawa sa sinabi ng kanyang asawa, at sumagot naman ng “No action.”

Samantala, ilang sandali naman ang lumipas ay si Ellen naman ang nagbahagi sa kanyang Instagram story ng screenshot ng pag-uusap ng kanyang ina at ng kanyang asawang si Derek. Nilakipan naman niya ito ng caption na:

“She slept with us. She did”.

Mababasa nga sa screenshot ng convo, na kinamusta ni Derek ang pakiramdam ng kanyang biyenan. At dito nga, ay tila nahihiyang humingi ng paumanhin ang ina ni Ellen kay Derek dahil sa hindi niya sinasadyang makatulog sa silid ng mag-asawa.

Photo Credits to the Owner

“So sorry Derek. Had to sleep on your room on your wedding night LOL. The mom-in-law, oh my God, kaloka.”

Sa huli nga ay wala namang nagawa si Derek, at dahil nga mahal na mahal niya naman ang kanyang misis, ay naunawaan naman nito ang sitwasyon.

Ang ngayong mag-asawa nang sina Ellen at Derek ay ikinasal noong ika-11 ng Nobyembre na naganap sa Rancho Bernardo resort sa Bataan. Ang kanilang espesyal na araw ay dinaluhan ng kanilang pamilya, at ilang malalapit na kaibigan sa showbiz.

Matatandaang noong nakaraang buwan ng Marso taong kasalukuyan nang ma-engaged sa isa’t isa sina Ellen at Derek.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *