Ellise Joson, Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Baby Girl Nila Ng Kanyang Boyfriend Na si McCoy De Leon

Marami ang ginulat ng aktres na si Ellise Joson at boyfriend nitong si McCoy de Leon sa kanilang rebelasyon nito lamang ika-31 ng Oktubre matapos mag-guest sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10. At ito nga, ay ang pagkakaroon nila ng isang anak.

Credits: Elisse Joson | IG

Sa nasabing episode ay tinanong nina Ellise at McCoy si “Kuya” kung pwede ba itong maging Ninong ng kanilang anak. At dito na nga, ibinunyag ng magkasintahan na sila’y nakabuo na ng pamilya na binigyang katuparan ng kanilang napakacute na baby girl.

“Actually, kuya, may gusto kaming itanong sa inyo,” saad ni Ellise.
“Pwede po ba namin kayong gawing ninong sa anak namin?”tanong naman ni McCoy.

Credits: Elisse Joson | YT

Samantala, matapos ang rebelasyon ng magkasintahan, ay nasundan naman ito ng pagpapakilala sa publiko ni Ellise sa panganay nila ni McCoy. Idinaan ni Ellise sa isang vlog ang pagpapakilala niya sa kanilang panganay na anak na pinangalanang Felize. Sa nasabing vlog rin ay inilahad ni Ellise ang kanyang motherhood journey. Kasama narin dito ang bonding moments ng kanilangg pamilya. At labis na kaligayahan nga ang hatid ng pagdating ni Baby Felize sa kanilang pamilya.

Makikitang ipinakita ni Ellise sa vlog ang sonogram ni Baby Felize at dito’y ipinaliwanag ng aktres ang ilan sa bahagi ng katawan ni Baby Felize na unti-unti nang nabubuo. Pag-amin naman ng aktres, ay hindi siya makapaniwala siya’y malapit nang maging isang ina dahil hindi ito mapapansin sa kanyang tiyan.

Credits: Elisse Joson | YT

“Here is the baby. ‘Yan ‘yung ulo niya and then the body. Actually hindi pa rin ako makapaniwala ‘cause ‘yung tummy ko is just parang busog, parang bloated.”

Naging emosyunal naman si Ellise at inamin na hindi maipakita ang kanyang excitement dahil natatakot pa siyang maging isang ina at alam niyang hindi ito madali. Ngunit, sa huli nga ay naging positibo parin ang aktres, at sinabi na makakaya niya gaano man ito kahirap.

“But siyempre hindi ko din mapakita ‘yung excitement ko masyado kasi I’m also scared. I don’t know how to be a mom. I bet it’s hard. But kaya ‘to. We’ll get through.”

Samantala, isa namang nakakaantig na mensahe ang ipinahayag ni Ellise para kay Baby Felize na kanyang idinaan sa isang Instagram post kalakip ang larawan ng munting anghel.

Credits: Elisse Joson | YT

“Dearest Felize,
“Life was uncertain before you came. I didn’t know which path to take, the choices to make. I didn’t know what to be, what I want to be. Now, nothing is clearer to me than to be the best me, to be the best mommy, for you.”

“I am lucky to have your daddy in my life and we are very lucky to have you. Our greatest blessing, in our lives.”

Credits: Elisse Joson | IG

Matatandaan na nagkakilala sina Ellise at McCoy sa loob ng “Bahay ni Kuya” sa talent reality show na Pinoy Big Brother noong 2016, at dito na rin nabuo ang kanilang matamis na pag-iibigan. Ngunit, taong 2018 nang mapabalita na nagkaroon ng problema ang kanilang relasyon at nauwi sa hiwalayan. Pagsapit ng Agosto 2020, ay muling napabalita na nagkabalikan na sila at ito’y kinumpirma ng magkasintahan nitong nakaraang buwan ng Hunyo.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *