Ellen Adarna Hindi Pinapakialaman ang Cellphone ni Derek, Ano ang Say Niya “Para sa Pangit Lang Iyan”

May dyowa ka ba ngayon? Isa ka ba sa mga babaeng, pinapakialaman o tsine-check ang cellphone ng iyong kasintahan? Pwes kung ikaw ay isa sa mga ito, may naging ‘say’ ang aktres na si Ellen Adarna para sa mga taong nagtsi-tsek ng cellphone ng kanilang mga partner o kasintahan.

Kamakailan nga lamang ay nagkaroon ng Q&A ang aktres na si Ellen Adarna sa kanyang mga tagahanga sa kanyang Instagram stories, kung saa nga niya ibinahagi ang nakakawindang na tanong sa kanya.

Isa naman sa mga tanong na naibato sa aktres, na ang kanyang naging kasagutan ay talaga namang pinag-usapan ng marami, ay kung pinapakialaman o tsine-check ba niya ang cellphone ng fiancée niyang si Derek Ramsay.

“Okay lang ba pakialaman ang cellphone ng boyfriend?”, ang naitanong kay Ellen.
Narito naman ang naging kasagutan ng aktres, “I never check his phone. I’m not un ugly psycho b*tch.”

Dagdag pa nga niya, “Yung mga ganyan para sa pangit lang iyan, mga insecure, at praning. Hindi ko napagdaanan iyan. Never.”

Sagot pa niya, hindi niya kailangang gawin ang mga bagay na ganun, yung pagtsi-check ng cellphone, dahil alam niyang ‘gwapa’ siya, maganda siya.

Samantala, isa pa nga sa mga naibatong katanungan sa kanya ay paano kung mayroong siyang ex-boyfriend na sige pa rin ang pagme-message sa kanya, kahit na ayaw na niya rito.

“What to do if my ex keeps messaging me even if ayoko na sa kanya?”, isa pa nga sa ibinatong katanungan para kay Ellen.

“O di ba. Ang ganda mo. Ang ganda mo pero di ka nag-iisp….Di mo na isip na i-block siya? Ano ba yang cellphone mo, analog?”, ang naging nakakaaliw naman niyang sagot.

Marami sa mga tagahanga ni Ellen ang talaga namang naaliw sa mga naging kasagutan ng aktres sa mga nakakawindang na katanungan sa kanya.

Si Ellen Adanrna ay isang artista at modelo sa Pilipinas, na unang nakilala ng publiko sa Internet. Siya ay isinilang noong ika-2 ng Abril taong 1998. Isa siya sa mga aktres na talaga namang hinahangaan at pinapantasya ng marami dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan.

Isa sa mga aktor sa showbiz na kanyang nakarelasyon ay si John Lloyd Cruz, kung saan ito rin ang ama ng anak niyang si Elias Modesto.

Sa kasalukuyan siya ay engaged na sa kanyang boyfriend na si Derek Ramsay, ilan buwan lamang matapos nilang isapubliko ang kanilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *