Dimples Romana, Pinahanga Ang Netizens Sa Taglay Niyang Kagandahan Na Fit And Healthy Na Ngayon

Marami nga sa mga kilalang artista sa industriya ng showbiz ang talagang puspusan sa pagwo-work out para makamit ang isang fit at healthy body. Napakahalaga naman talaga na maging malusog ang ating katawan lalo na ngayong panahon na laganap ang sakit.

Credits: Dimples Romana | IG

Hindi naman maikakaila na marami na sa mga sikat na celebrities sa showbiz, ang talagang na-achieve ang kanilang minimithing fit at seksing katawan. At sa kanilang fitness journey nga, gaano man kahirap ay hindi sila sumuko bagkus at determinadong makamit ang nais na katawan para na rin sa kanilang kalusugan.

Isa nga sa mga nagpatunay na hindi imposible ang pagbabawas ng timbang basta’t determinado, ay ang aktres na si Dimples Romana. Maraming netizens nga ang pinahanga ni Dimples sa malaking pagbabagong masisilayan sa kanyang katawan ngayon.

Makikita nga sa mga larawang ibinabahagi ng Kapamilya aktres sa kanyang social media account na malaki ang nabawas sa kanyang timbang. At kapansin-pansin nga na mas lalong gumanda at nagmukhang bata ang hitsura ni Dimples.

Tila naman, bukod sa mas lalo gumanda ay nakatipid rin ang aktres sa pagbili ng mga bagong damit. Ngayon kasi ay hindi na bumibili ng bagong damit si Dimples dahil ang mga luma niyang damit na hindi na kasya noon, ay muli na niyang naisusuot ngayon.

Paglalahad naman ni Dimples, ay hindi siya mahilig mag-ehersisyo dahil nga siya’y mahiyain lalo na pagmaraming tao.

Credits: Dimples Romana | IG

“Napaka-imposible lalo na kung kilala mo ako as a person. Sobrang lampa ako, sobrang takot ako at tsaka nahihiya akong mag-exercise lalo na pag maraming ibang tao.”

Ngunit, dahil sa panahon ng pandemya na laganap ang sakit, ay nagkaroon siya ng rason para palakasin ang kanyang resistensiya at mapanatiling malusog ang katawan.

“Since 2021 is telling us that we should live our life to the fullest and make sure that we are healthy. That we boost our immune system and also we build up our res𝔦stance especially maraming sakit ngayon. I’m going to dive in.”

Credits: Dimples Romana | IG

Maliban naman sa nais ni Dimples na magkaroon ng fit na pangangatawan, ay nais rin nga ng aktres ang maging malusog. Kung kaya’t hiningi niya ang tulong ng kanyang matalik na kaibigan na si Eds Sobrevinas, isang fitness instructor para sa group exercise.

Ayon naman kay Eds ay malaki ang naitutulong ng group exercise sa mga tulas ni Dimples na mahiyain.

“Tapos it’s driven by music so nakaka-motivate siya. Hindi mo nararamdaman yung pagod so it’s good for you kasi we think parang ‘Ay nakahiya pag may ibang tao.’ Yun yung maganda pag may group exercise. Meron nagko-coach sa’yo at the same time namo-motivate ka ng music at tsaka ng mga kasama mo.”

Credits: Dimples Romana | IG

“Ang maganda kasi sa group exercise. It’s good for families especially now we are asked to stay at home. Mas masaya talaga when you’re working out with your friends or family. It’s nice because then you can make sure that everybody is strong.”

Samantala, bagama’t ilang buwan pa lamang ngang ginagawa ni Dimples ang kanyang pagbabawas ng timbang, ay makikita na agad ang magandang resulta. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Dimples ang kanyang fitness journey. At hindi naman naging madali para sa aktres ang makamit ang fit and healthy body niya ngayon.

“First month pr𝔬gress report. Posting this here to remind myself how far I’ve come. I guess when we’re beginning our fitness and health journey, often nakakapanghina ng loob when you do so much yet you still feel like you’re achieving very little.”

“But then Sabi nga ng boss ko dito sa bahay callieahmee PROGRESS is PROGRESS. happy to be able to fit into my old clothes AGAIN (tipid because I don’t have to buy anymore), think more clearly, my sk𝔦n even got more radiant, and somehow I feel lighter in spirit and so much healthier and stronger and INSPIRED. Yun Lang naman haha. Felt cute might delete later sana yung caption ko pero Hindi ako mashadong cute dyan eh.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *