Congratulations Newly Wed! Ellen Adarna at Derek Ramsay, Ikinasal Na sa Napaka-Dreamy Sunset Wedding na Ginanap sa Hilltop ng Isang Napakagandang Villa

Ellen Adarna at Derek Ramsay, opisyal ng Mr. and Mrs. Ramsay!

Hindi nga nagkamali ang madla, makalipas nga lamang ang ilang araw matapos ganapin ang Bali-inspired bridal shower ni Ellen Adarna at stag party ni Derek Ramsay, ay heto na nga’t nagpalitan na ng kanilang ‘I DO’ para sa isa’t isa ang dalawa.

Nito nga lamang ika-11 ng Nobyembre araw ng Huwebes, ay ganap ng mag-asawa sina Ellen at Derek. Ito ay matapos maganap ang seremonya ng kanilang kasal, sa isang napaka-dreamy Sunset wedding na ginanap sa hilltop ng Rancho Bernardo Luxury Villas, isa sa mga pinakasikat at popular na villa na matatagpuan sa Bataan.

Ang kasalan na ito nina Ellen at Derek ay dinaluhan ng kani-kanilang pamilya, at malalapit na kaibigan, sa pagnanais nga ng mga ito na masaksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Tulad naman ng inaasahan nating lahat, ang bride na si Ellen Adarna ay talaga namang naging kahanga-hanga at nagningning ang kagandahan at kaseksihan sa suot niyang high-slit wedding gown na gawa ni Marc Rancy. At siyempre, hindi naman nagpahuli ang groom of the day na si Derek Ramsay, dahil mas lalo itong gumuwapo sa kanyang suot na sleek at dapper suit na gawa naman ni Bianca Cordero.

Tila naman talagang napakasaya ni Derek sa araw na ito na magiging ganap na niyang misis ang aktres at babaeng labis niyang minamahal na si Ellen Adarna, dahil makikita sa isang larawan na kinunan ng photographer na si Nelwin Uy, ang maluha-luhang groom sa labis na kasiyahan, habang pinagmamasdan nga nito na naglalakad at unti-unti papalapit sa kanya sa may altar ang napakaganda niyang bride.

At siyempre, sa paglalakad ni Ellen patungo sa altar kung saan naghihintay si Derek ang kanya ngang ‘happily ever after’, ay hindi rin napigil ng napakagandang bride na maluha, lalo na’t hindi pa rin siya makapaniwala na ang pangarap niyang maikasal sa taong labis niyang minamahal ay heto na at nangyayari na nga.

Samantala, ilan sa mga personalidad sa showbiz na naging saksi at dumalo sa pag-iisang dibdib na ito nina Ellen at Derek ay sina Vicki Belo at Bianca Gonzales.

Matatandaan na sina Ellen at Derek ay na-engaged pitong buwan na ang nakararaan, ito ay matapos lamang ang halos ilang buwan matapos nilang kumpirmahin sa publiko ang kanilang relasyon.
Congratulations
newly wed!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *