Barbie Imperial at Diego Loyzaga, Naghatid ng Kilig Sa Kanilang Mga Fans sa Kanilang “Don’t Kiss Me Challenge”

Hindi na nga maawat ang celebrity couple na sina Barbie Imperial ay Diego Loyzaga sa paghahatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga. Magmula nga nang ibunyag sa publiko ang kanilang relasyon ay wala ng pinalampas na sandali ang magkasintahan para ibahagi sa kanilang mga fans kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Credits: Diego Loyzaga | IG

Ang maraming tagahanga nina Barbie at Diego ay nakasubaybay sa mga kaganapan ng kanilang buhay. At marami nga ang talagang napapa-sana all sa nag-uumapaw nilang kasweetan na masisilayan sa mga larawan at video na kanilang ibinabahagi sa kanilang social media accounts.

At kamakailan lamang nga ay muli na namang naghatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga ang magkasintahan matapos ibahagi ang kanilang nakakakilig na TikTok video. Ang nasabing TikTok video na ibinahagi sa TikTok account ni Barbie, ay kumasa ang magkasintahan sa isang challenge na patok ngayon, ang “Don’t Kiss Me Challenge”.

Credits: Diego Loyzaga | IG

Sa nasabing challenge, ay magtatangkang halikan ng bawat isa ang kanilang kapareha, ngunit hindi naman itutulo at hanggang magkadikit o magkalapit lamang ang kanilang mga mukha. Kaya naman, ang tagpo sa pagitan nina Barbie at Diego habang magkalapit ang kanilang mga mukha, ay naghatid ng matinding kilig sa kanilang mga fans.

Hindi naman talaga maawat ang dalawa sa kanilang kasweetan habang magkadikit ang kanilang mga mukha. At kapansin-pansin rin sa ngiti ng magkasintahan na maging sila ay kinikilig rin sa kanilang ginagawa.

At hindi nga nakaligtas sa mata ng netizens at ng kanilang mga tagahanga ang kanilang kasweetan at agad itong humakot ng 4 million views. Hindi rin nakapagpigil ang ilan na magbigay ng kanilang komento, kung saan nga ay talagang kilig na kilig sa nag-uumapaw na tamis ng kasweetan ng celebrity couple.

Credits: Diego Loyzaga | IG

“Ano ba yan nakakakilig kayo paawat naman”

“MASYADO KA NANG PINAGPALA BARBIE MATATAMPAL KITA DYAN EHHHH”

“You two looks soo good for each other Barbie is such a beauty!”

“Can see the happinness in your eyes…stay safe to both of you…”

“Sweet .. bagay na bagay .. sana all may ganyang jowang malambing”

Credits: Diego Loyzaga | IG

Hindi naman talaga maikakaila na bagay na bagay sa isa’t isa sina Barbie at Diego. At isang napakaganda at napakaseksing babaeng katulad ni Barbie ang pinapangarap ng maraming kalalakihan. Samantalang, si Diego na taglay rin ang angking kagwapuhan at kakisigan ay maraming babae rin ang pinapahanga.

Credits: Diego Loyzaga | IG

Samantala, mas lalo namang kikiligin ang kanilang mga tagahanga dahil ang magkasintahang Barbie at Diego ay magsasama rin sa isang pelikula. Ito nga ang pelikulang pinamagatang “Dulo” na mapapanood sa Vivamax sa ika-10 ng Disyembre. At dito ay gaganap sila bilang mag-asawa, kung saan ay makakaranas ng matinding pagsubok ang kanilang relasyon, na kanilang sasagipin sa pamamagitan ng isang road trip.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *