Angelica Panganiban, Masayang Ipinagdiwang ang Kaarawan Sa Isang “Yatch Party” sa Subic Kasama ang Boyfriend Niyang Si Gregg Homan at Ilang mga Kaibigan

Masayang nagdiwang ng kanyang ika-35 taong gulang na kaarawan si Angelica Panganiban sa Subic kasama ang kanyang mga kaibigan, at boyfriend niyang si Gregg Homan.

Credits: Raven Dizon | IG

Noon nga lamang nakaraang weekend, ika-4 ng Nobyembre ay nagdiwang ng kaarawan ang aktres na si Angelica Panganiban kung saan siya nga ay tumuntong na sa edad na 35.

Base sa mga larawan na ibinahagi ni Angelica sa kanyang Instagram account ay masisilayan nga na ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan kasama ang boyfriend niyang si Gregg Homan at ilan sa mga kaibigan niya sa loob at labas ng industriya ng showbiz, kung saan ay isa ngang ‘yatch party’ ang naganap sa kanyang kaarawan.

Credits: Raven Dizon | IG

Ilan sa mga kaibigan ng aktres na nakisaya at dumalo sa kaarawan ni Angelica na ginanap sa Subic habang sila nga ay nasa isang yate ay ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli. Naroon din sina Barbie Imperial at Maxene Magalona.

Ayon sa ulat, nito lamang ika-14 ng Nobyembre, araw ng Linggo, naganap ang yatch party ni Angelica sa Subic.

Makikita namang nagbahagi ang aktres na si Isabel Oli ng mga larawan na kuha sa naging selebrasyon ng kaarawan ng kaibigan niyang si Angelica. Kalakip nga nito ay ang caption ni Isabel, kung saan ay pinaabot niya ang pagbati niya sa kaibigan.

Credits: Raven Dizon | IG

“Time to get nautical. Blessed birthday @iamangelicap”, ang naging caption ni Isabel Oli sa kanyang IG post. May pa-hashtag #ThisisHowWeSubic at #SanaAllongapo.

Maging ang aktres na si Maxene Magalona ay nagbahagi rin ng larawan nila ng kaibigang si Angelic na kuha rin sa naging yatch party ng aktres. Narito naman ang naging caption ni Maxene sa larawan na kanyang ibinahagi.

“Heaven on earth with this real-life angel… Happy birthday, @iamangelicap”, na may parehong hashtag din sa post ni Isabel Oli.

Credits: Raven Dizon | IG

Samantala, maliban sa mga kaibigan ni Angelica ng nagbahagi sa kani-kanilang Instagram account ng ilang mga larawan na kuha sa naging pagdiriwang ng kaarawan ng aktres, ay makikita rin ang naging pagbabahagi ni Angelica at ng boyfriend niya ng mga masasayang kaganapan sa naging yatch party ng aktres.

Kitang-kita naman sa mga larawan ang kasiyahan ni Angelica sa naging pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan, lalo na nga’t kasama niya ang mga taong malalapit sa kanya lalo na ang taong mahal niya.

Credits: Maxine Magalona | IG

Matatandaan na isinapubliko ni Angelica ang relasyon niya sa businessman na si Gregg Homan noon lamang buwan ng Enero taon ng kasalukuyan. Ipinagdiwang naman ng dalawa ang unang anibersaryo nila bilang magkasintahan noon lamang buwan ng Hulyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *