Andi Eigenmann, Ibinida sa Madla ang Maganda ng Resulta ng Naging Fitness Journey Niya Matapos ang Naging Panganganak sa Bunsong Anak na si Koa

Maraming mga celebrity ang talaga namang kinarir ang pagpapayat at pagpapaganda ng katawan ng magkaroon ng community quarantine sa ating bansa dahil sa pandemya. Ito ay kanilang ginawa hindi lamang upang magkaroon ng magandang pangangatawan, kundi para rin maging masigla at magkaroon ng maayos ng kalusugan.

Credits: Andi Eigenmann | IG

Isa ang dating aktres, vlogger at ngayon nga ay full-time mom na si Andi Eigenmann sa mga nangunguna ngayon sa pagpo-promote ng body positivity.

Matatandaan na noong ipinagbuntis at pagkatapos maisilang ni Andi ang kanyang bunsong anak na si Koa ay mapapansin ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan, ngunit sa kabila nito, ay ipikita ng dating aktres at mommy of three na si Andi na proud siya at mahal niya ang kanyang katawan, na nagbago dahil sa pagiging isa niyang ina.

Credits: Andi Eigenmann | IG

Marami ang hinangaan si Andi hindi lang sa kanyang pagiging ina, kundi kung paano niya mahalin ang kanyang sarili sa kabila ng malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan. Pero sa kabila nga ng tanggap ng dating aktres ang kanyang katawan, ay sinigurado naman niya na patuloy ang kanyang ginagawang pag-eehrsisyo upang masiguradong hindi niya mapapabayaan ang kanyang kalusugan.

Credits: Andi Eigenmann | IG

Muling sinimulan ni Andi ang kanyang fitness journey, ilang buwan lamang matapos ang kanyang naging pagsilang kay baby Koa, ang bunsong anak nila ng fiancée niyang si Philmar Alipayo, isang surfing champion.

Buwan ng Marso ng ibahagi ni Andi sa kanyang social media account ang kanyang post-pregnancy body, at sa larawan nga niyang ito ay makikita ang malaki niyang pangangatawan, kung saan ayon sa kanya ang timbang niya ay umabot sa 75 kilos at nasa 39 inches naman ang kanyang waistline.

Credits: Andi Eigenmann | IG

Ikinamangha naman ng marami ang ibinahaging larawan ni Andi nito lamang nakaraan, kung saan dito nga niya ipinakita ang panibagong update ng kanyang pangangatawan ngayon matapos niyang magbalik loob sa ag-eehersisyo.

Sa bagong update nga ni Andi ay masaya niyang ibinahagi na 16 kilos ang nabawas sa kanyang timbang mula ng huli niyang update. Ayon sa kanyang naging post, as of November 5, ay 59 kilos na nga lamang ang timbang niya at ang waistline niya ay lumiit na kung saan ay 29 inches na lamang ito.

Kuwento nga ni Andi, dahil sa pagiging abala niya sa kanyang mga anak, kung kaya ngayon lamang siya muling nakapag-update sa ilang mga development ng kanyang fitness journey.

Credits: Andi Eigenmann | IG

“First progress report in agessss! Been busy w/ homeschool but now that we’ve picked up a good place, ca’t wait to work out again”, saad niya.

Ang dating aktres na si Andi Eigenmann ay ilang taon na rin ngang masaya at simpleng naninirahan sa isla ng Siargao, kasama ang kanyang binuong pamilya sa piling ng fiancée niyang si Philmar. Sa ngayon ay may tatlo na ngang anak ang dating aktres, ang panganay niya ay si Ellie, na anak niya sa dating boyfriend na si Jake Ejercito, at ang pangalawa naman at bunso naman ay si Lilo at Baby Koa, na anak nila ng fiancée niyang si Philmar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *