“Akala mo ready ka because you wanted it”, Ang Pananaw ni John Lloyd Cruz sa Pagiging Isang Ama

Maraming mga magulang ang nagsasabi na malaki ang naging pagbabago sa kanilang buhay ng sila nga ay magkaroon na ng anak. At kahit planado man o hindi ang pagiging isang magulang ng isang tao, ay tunay namang mapaghahandaan mo lamang ang pagiging isang magulang kapag ito nga ay iyo ng naranasan.

Photo Credits to the Owner

At ganito nga ang naramdaman ng aktor na si John Lloyd Cruz ng maging isa siyang ganap na ama sa kanyang anak na si Elias Modesto.

Kamakailan nga lamang ay nakapanayam ng newscaster na si Karen Davila ang aktor, at maliban sa napag-usapan nila na pagbabalik showbiz ng aktor, ay napag-kuwentuhan din nila ang pagiging isang ama ng aktor sa kanyang tatlong gulang na anak na si Elias.

Photo Credits to the Owner

Batid ng marami sa atin na magmula ng maghiwalay si John Lloyd at ang dating partner niyang si Ellen Adarna na siya ngang ina ni Elias, ay napagkasunduan nila ang co-parenting setup para sa kanilang anak.

Makikita naman sa kani-kanilang social media post na kapag nasa poder ng isa’t isa sa kanila ang anak ay talaga namang sinusulit ng bawat isa sa kanila ang mga moments nila kay Elias.
Samantala, sa naging pakikipag-kuwentuhan nga ni John Looyd kay Karen Davila ay dito na sinabi ng aktor ang kanyang pananaw sa pagiging isang magulang.

Photo Credits to the Owner

Ayon sa aktor, hindi ibig sabihin na planado ang pagkakaroon ng anak, ay handang-handa na nga talagang maging magulang ang isang magiging ama at ina. Ngunit ang totoo nga, kahit planado pa ang pagkakaroon ng anak, ay hindi agad-agad ay magiging handa ang isang tao na maging magulang.

“Tingin ko isang bagay siya na akala mo ready ka because you wanted it. We like to believe na we are in control. We like that idea na ‘Hindi, it’s my plan. Plinano ko iyan.’” , saad ng aktor.

Photo Credits to the Owner

Naibahagi rin ng aktor, na hindi lahat ng pinaplano mo para sa ‘yong anak ay mangyayari. Dahil wala ngang magulang ang maiisip na darating ang oras na palalakihin niya ang anak niya sa isang co-parenting setup.

Photo Credits to the Owner

“Paano mong naplano ‘yung ganung bagay?’ Kasi it’s beyond words. Describing being a father especially nung lumabas siya, there’s no way na merong tao na naplano ‘yung ganung ka-weird and ka-radical na bagay”, dagdag pa ni John Lloyd.

Photo Credits to the Owner

Ibinahagi rin ng aktor, na hindi siya takot sa responsibilidad bilang isang ama, dahil kung siya ang tatanungin ay masaya siya sa pagiging ama niya sa anak niyang si Elias.

“I didn’t get scared [of the responsibilities] at all. I was scared to admit na parang medyo it’s a little bit too much than what I expected. But I think that’s the whole essence of it.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *