Tingnan: Broadcaster na Si Raffy Tulfo Ibinahagi na Hindi na Eere ang Programa Niyang ‘Idol in Action’

Nitong araw ng Biyernes, ika-1 araw ng buwan ng Oktubre 2021, ay isang mahalagang anunsyo ang inihayag ng broadcaster na si Raffy Tulfo. Ito nga ay ang pamamaalam sa ere ng kanyang isang programa.

Tuluyan nan gang namaalam ng nasabing araw, ang programa ni Raffy na ‘Idol in Action’ na inaabangan ng maraming mga manonood tuwing umaga sa channel TV5.

Ang programa ni Raffy na “Idol in Action” ay halos isang taon ding naging produktibo at aktibo sa mundo ng telebisyon, at sa huling episode nga nito at muli nilang binalikan ang mga naging mahahalaga at makaboluhan nilang episodes na nagawa.

Credits: Raffy Tulfo | IG

Matatandaan na noong ika-8 ng Hunyo taong 2020 ng unang umere sa TV5 ang pina-unang episode ng programang Idol in Action ni Raffy Tulfo. Ito ay agad na tinutukan ng maraming mga manonood sa pag-asang sila ay isa sa mga matatawagan ni Raffy upang mabigyan ng premyo o di kaya naman ay tulong.

Sa kabila ng pamamaalam na sa ere ng nasabing programa na ito ni Raffy, ay nilinaw naman ng broadcaster na ang Idol in Action niyang programa ang mawawala, dahil ang kanyang pagtulong sa mga mamamayan ay magpapatuloy pa rin sa kanyang radio program na ‘Raffy Tulfo in Action.’
Dagdag pa na pahayag ng broadcaster, ngayon nga na ang Raffy Tulfo in Action na lamang ang programa niya na umeere ay mas mabibigyan na niya ito ng atensyon.

Credits: Raffy Tulfo | IG

“Walang iwanan, ‘yan po talaga ang lagi ko sinasabi. Di ko kayo iiwan rito. Pero makikita niyo po ako everywhere”, ang naging pahayag ni Raffy.

Isa ang Raffy Tulfo in Action sa mga pinakaabangan na radio program ni Raffy Tulfo. Ang programa rin niyang ito ay mayroong YouTube channel kung saan mayroon na itong milyong milyong mga subscribers at viewers.

Credits: Raffy Tulfo | IG

May pangako naman si Raffy Tulfo para sa lahat ng mga netizens na patuloy na sumusuporta sa programa niya, kung saan ay sinabi nga niyang pagkatiwalaan lang siya dahil mas lalo pa niyang pagbubutihin at palalakasin ang programa niyang ito.

“I’ll do my best para lalo pang palakasin pa ang binibigay naming serbisyo para po sa inyong lahat. Promise ‘yan, trust me!”

Credits: Raffy Tulfo | IG

Samantala, may mga lumabas naman na ulat, na para sa nalalapit na halalan 2022, ay isa na ang broadcaster na si Raffy Tulfo sa mga naghain ng kanyang COC o Certificate of Candidacy, kung saan siya nga ay independent na tatakbo bilang senador para sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *