Tingnan ang Ginawang “Squid Game-Inspired Halloween Party” ng Mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce sa Kanilang Tahanan

Nalalapit na naman nga ang “Halloween” at siyempre ilan sa mga kilala nating personalidad sa showbiz ang pinaghahandaan ito. Kagaya na nga lamang ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, na handang-handa na para sa selebrasyong ito.

Tila handang-handa na para sa darating na selebrasyon ng “Halloween” ang mag-asawang Angel at Neil, ito ay matapos na ibahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan na nagpapakita nga ng inihanda nilang set-up sa loob ng kanilang bakuran.

Makikita sa mga ibinahaging larawan ni Angel na ang naging set-up nila ngayon para sa darating na Halloween ay hango sa hit series na ‘Squid Game.’

Ang Squid Game ay isa sa mga ‘most-watched series’ sa Netflix, na tinangkilik ng maraming mga manonood na Pinoy.

Samantala, sa latest vlog ng Kapamilya actress, ay ibinahagi nila ng kanyang asawang si Neil Arce kung bakit gusto nila ang ‘celebration’ ng Halloween. Dagdag pa nga ni Neil, para sa kanya ay espesyal ang Halloween ngayon dahil first time nilang magse-celebrate bilang mag-asawa.

Pagbabahagi pa ni Angel, isa sa mga talagang gusto niya tuwin g Halloween ay yung kahit ano pa man ang isuot na costumes ng isang tao, ay hindi ito nakakatanggap ng anomang pangmamaliit.
“Kahit may budget ka o wala kang budget. Tumodo ka o hindi, accepted ka”, ani Angel.

Sa may bandang swimming pool nga ng kanilang tahanan, doon naka-set up ang halos katulad ng nasa pelukilang Squid Game. Siyempre hindi nawala sa set-up ng mag-asawa ang ‘giant doll’ na tulad rin ng nasa pelikula.

Ipinakita rin ni Angel na maliban sa kanilang naging set-up, ay kumpleto rin sila sa mga ‘costumes’ na parehong-pareho nga halos sa Squid Game.

Para naman mas maging masaya ang pagdiriwang nila ng ‘Halloween’ ay inimbitahan nina Angel at Neil ang ilan sa kanilang mga kaibigan, kagaya nina Bubbles, Jess, Jamie at Carlo.

Nilinaw naman ng aktres na sumunod sila sa ‘safety protocols’ ng kanyang mga kaibigan, kung saan ang mga ito nga ay ‘safety tested.’

Agad namang nakatanggap ng papuri mula sa mga kaibigan ang mag-asawang Angel at Neil dahil sa nakamamanghang Squid Game set-up na ginawa nila sa kanilang tahanan. Maging ang mga netizens ay napa-wow din.

Aabangan naman sa ‘second part’ ng vlog ni Angel ang naging paglalaro nilang mag-asawa, kasama ang kanilang mga kaibigan ng larong halintulad din sa pelikulang Squid Game.

Angel and Neil Squid Game Halloween | The Angel and Neil Channel

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *