“Sweet Photo” Nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao sa Naging Bakasyon Nila sa Bohol Kasama ang Magkasintahang Jodi at Raymart, Agaw Atensyon Ngayon sa mga Netizens

Naging agaw atensyon ngayon sa mga netizens ang aktor na si Piolo Pascual at aktres na si Shaina Magdayao. Ito ay matapos na kumalat sa social media ang mga larawan ng dalawa, kung saan ay makikita ang pagiging sweet nila sa isa’t isa.

Photo Credits to the Owner

Matatandaan na noon ay inamin ni Piolo na exclusively dating sila ng aktres, samantalang si Shaina naman ay naibahagi rin noon sa mga naging panayam sa kanya na lumalabas silang madalas ng aktor ngunit wala umano silang commitment.

Photo Credits to the Owner

At ngayon sa mga kumakalat na larawan ng dalawa kung saan ay makikita ang pagiging sweet nila sa isa’t isa, tanong nga ng mga netizens maaay label na ba kung ano man ang namamagitan sa kanila?
Sa mga larawan nina Piolo at Shaina ay makikita nga ang pagiging sweet na sweet ng dalawa sa isa’t isa. Ayon sa mga lumabas na ulat, ang mga larawan na ito ng dalawa ay kuha sa naging bakasyon nila sa Bohol, kasama ang celebrity couple na sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago.

Tila nga hindi na maitatanggi na may pagkakamabutihan ng namumuo kana Piolo at Shaina, dahil sa mga lumabas na larawan ng dalawa sa naging bakasyon nila sa Bohol at kitang kita kung gaano sila kakumportable sa isa’t isa.

Photo Credits to the Owner

Ilan sa mga larawan na kumakalat ngayon ay ang larawan kung saan ay makikitang mahigpit na nakayakap si Piolo kay Shaina, habang katabi nilang dalawa ang aktor na si Raymart. May larawan pa nga na tila isang ‘couple photo’ dahil makikitang ang aktor na si Raymart Santiago ay sweet na nakaakbay sa kasintahan niyang aktres na si Jodi, samantala si Piolo naman ay inakbayan rin si Shaina.

Photo Credits to the Owner

May isa pa ngang larawan na talaga namang tila masasabi ng may relasyon na ang dalawa, at ito nga ay ang larawan na kuha habang sila ay tila nasa isang motorboat, kung saan makikitang nakahiga si Piolo sa kanlungan ni Shaina, samantalang ang dalagang aktres naman ay nakahiga sa dibdib ng aktor.

Ilang taon na rin ngang nali-link sa isa’t isa sina Piolo at Shaina, at kahit na madalas ngang nakikitang magkasama at sweet ang dalawa, hanggang ngayon ay nanatiling tikom ang kanilang bibig sa tunay na estado nila sa isa’t isa.

Photo Credits to the Owner

Ngunit kung sakali man ngang may namamagitan na sa dalawa, ay wala namang magiging masama sapagkat pareho naman silang single, at ‘anytime’ nga ay pwedeng pumasok sa isang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *