Sulyapan ang “The Boss Baby – Themed” Intimate Celebration ng 1st Birthday ni Baby Jude

Talaga namang napakabilis ng paglipas ng bawat araw, dahil ang baby boy nina Janella Salvador at Markus Paterson na si Baby Jude ay isang taong gulang na.

Credits: J9desire | IG

Matatandaan na noong nakaraang taon isinilang ni Janella Salvador ang anak nila ni Markus Paterson na si Baby Jude. Ang tungkol sa kanilang pagkakaroon ng anak ay isinapubliko nila noong buwan ng Enero taon g kasalukuyan, samantala ayon nga mismo sa kanila, ay bwan ng Oktubre ng isinilang ang kanilang anak.

Credits: Janella Salvador | IG

At mabilis ngang lumipas ang araw at buwan, dahil nito lamang ika-21 ng Oktubre, araw ng Huwebes ay nagdiwang na nga ng ika-1 taong gulang na kaarawan ang kanilang anak na si Baby Jude.

Isang cute intimate celebration na may temang “Baby Boss” ang inihanda ng celebrity couple na sina Janella at Markus para sa kanilang anak. At ang ilan ngang mga larawan na kuha sa selebrasyon ng kaarawan ni Baby Jude ay masusulyapan sa Instagram account ng ina ni Janella na si Jenine Desiderio.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ng ina ni Janella, na ilan nga sa kanilang mga kapamilya ay dumalo sa kaarawan ni Baby Jude. Naroroon nga sa nasabing okasyon ang ama ni Janella na si Juan Miguel Salvador.

Credits: Janella Salvador | IG

Samantala, ‘present’ din ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Janella sa showbiz na tumayo rin ngang ninang ni Baby Jude, at ito nga ay ang aktres na si Erich Gonzales. Sa Instagram ng aktres, ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng mga selfie photo niya habang karga-karga niya si baby Jude.

Kalakip nga ng larawan na ibinahagi ni Erich ay ang pagbati niya sa kanyang inaanak ng simpleng “Happy 1st birthday Jude [emoji].”

Credits: erich gonzales | IG

Ika-20 ng Oktubre tumuntong nga kanyang 1-taong kaarawan si Baby Jude, kung saan ng mismong araw nga ng kaarawan niya, ay ginawa ang kanyang photoshoot na may tema ring “The Baby Boss.”

Credits: J9desire | IG

Sa kabilang banda naman, ang ama ni Baby Jude na si Markus Paterson ay ibinahagi sa kanyang Instagram ang isang video clip kung saan ay makikita ang “journey” ng kanyang anak na si Baby Jude, mula ng panahon na ito’y isinilang hanggang ngayon na ito nga ay ganap ng isang taong gulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *