Sulyapan ang Naging Mainit na Pagtanggap ng mga Eat Bulaga Host sa Bagong Dabarkad’s na Si Maja Salvador

Isa sa mga hinahangaang aktres at mananayaw na si Maja Salvador, opisyal ng miyembro ngayon ng Dabarkad’s ng programang Eat Bulaga ng GMA-7.

Credits: Eat Bulaga

Hindi naman naiwasan ng mga tagahanga ng aktres na matuwa at ma-excite para sa panibagong ‘journey’ na ito ng kanilang iniidolo bilang isang Dabarkd’s, at marami nga sa mga fans ni Maja ang talaga namang pinakawalan ang kanilang libo-libong tweets na may hashtag na #MajaforEatBulaga.

At tulad ng inaaasahan ng lahat, ay talaga namang ipinamalas ni Maja sa lahat ng mga Dabarkadas ang kanyang angking husay at galing sa pagsasayaw, dahil sa kanyang kabog na kabog na pinakaunang production number sa entablado ng Eat Bulaga dahil sa sinayaw niya ang iba’t ibang dance craze kagaya na lamang ng ‘Kick It’, ‘MMMBop’ at ‘Macarena.’
Sa pagpasok ni Maja bilang Dabarkads, ay siya din ang nagsilbing host sa pinakabagong segment ng longtime noontime running show na “DC 2021”, kung saan dito nga ay ife-feature ang mga klasikong sayaw na naging popular noon.

Credits: Eat Bulaga

Pag-amin ni Maja, bata pa lamang siya ay pinapanood na niya ang programang Eat Bulaga, at dito rin nga napag-alaman ng publiko na ang aktres pala ay laking Aparri.

“Sa mga hindi nakaka-alam, laking Aparri talaga ako. Noong ipinanganak ako, after ilang buwan, inuwi ako sa Aparri ng nanay ko. Tapos doon namulat ang aking mga mata sa Eat Bulaga,” kuwento ni Maja.

Credits: Eat Bulaga

Dagdag pa niya, “Ang sarap sa pakiramdam kapag ‘yung umpisang kanta ng Eat Bulaga, ‘mula Aparri …’ Siyempre proud na taga-Aparri.”

Ibinahagi rin ng aktres na isa siya sa mga kabataan noon na nahumaling at umidolo sa sikat na male dance group noong dekada 90 na “Streetboy.” Saad pa niya, noon ngang bata siya ay nais niyang sumali sa kids pageant show na Eat Bulaga na “Little Miss Philippines”, eh dahil wala nga umanong budget ay pabiro niyang sinabi na naging Miss Abulog na lang umano siya.

Para naman kay Maja, regalo niya sa kanyang ina ang pagiging isa na niyang ganap na Dabarkad’s dahil matagal na nga siya nitong nami-miss makitang sumayaw sa entablaso. Kasabay ng pagpasok ni Maja sa nasabing programa ay ang mismong araw din ng kaarawan ng kanyang ina.

“Ito na ‘yung regalo ko sa’yo ha. Sabi niya kasi, ‘nami-miss na kita makitang sumayaw.’’

Credits: Eat Bulaga

Masisilayan naman kay Maja Salvador ang kanyang labis na kasiyahan na ngayon ay miyembro na nga siya ng programang noon ay kanya lamang napapanood sa telebisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *