“Soon-to-be-Bride” Carla Abellana, Pina-Wow ang mga Netizens sa Kanyang Pre-Nup Photo Dahil sa Mala-Dyosa Niyang Kagandahan

Tila nga talagang palapit na ng palapit ang araw ng pag-iisang dibdib ng celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, at ito naman ay base sa kani-kanilang update sa socmed.

Credits: Carla Abellana | IG

Makikita sa Instagram account ng soon-to-be-bride na si Carla Abellana ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan nila ng kanyang soon-to-be-husband na si Tom Rodriguez na kuha nga sa naging prenup photo shoot nila.

Hindi nga lamang ang tamis ng pag-iibigan ng magkasintahan ang mapapansin sa mga larawan nila, dahil agaw-pansin rin ang taglay na kagandahan ng bride-to-be na si Carla Abellana, sa kanyang suot na white dress na tila nga isang wedding gown.
Lalo ngang tumingkad ang taglay na kagandahan ng aktres sa kanyang suot na white gown, kung saan ay mas naging kabigha-bighani ang kanyang mala-anghel na mukha.

Credits: Carla Abellana | IG

Sa post nga na ito ni Carla, ay inilahad niya sa caption ang kanyang pasasalamat sa mga taong nasa likod ng tagumpay at magagandang larawan nila sa kanilang prenup photo. Pinasalamatan nga niya ang nag-ayos ng kanyang hair and make-up na si Mariah Santos at Marvin Santos.
Bumuhos naman agad ang maraming papuri mula sa mga netizens at kapwa niya artista ang mga magagandang larawan ni Carla na kuha nga mula sa naging prenup photo nila. Karamihan sa mga reaksyon ng nila ay ang mapa-Wow sa angking kagandahan ng aktres.

Credits: Tom Rodriguez | IG

Sina Jasmine Curtis Smith, Shaira Diaz, Lovi Poe, Arra San Agustin, at Nadine Samonte ay ilan lamang sa mga personalidad sa showbiz na namangha sa kagandahan ni Carla Abellana sa kanyang naging prenup photo.

Maliban pa sa mga magagandang larawan na kuha sa kanilang naging prenup photo, ay nagbahagi si Carla sa kanyang Instagram ng isang ‘art card’, na tila nagsasabi kung kailan ang petsa ng kasal.

Credits: Tom Rodriguez | IG

Samantala, ayon naman sa ilang mga ulat na lumabas, isa umano sa mga naging matinding paghahanda ng aktres sa kanyang wedding ay ang paghahanap ng kanyang dream wedding gown, kung saan ito nga ay natagpuan niya sa Amerika kaya naman kinailangan niya pang magtungo sa nasabing bansa.

Credits: Carla Abellana | IG

Nakatakdang ikasal sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa buwan ng Nobyembre taon ng kasalukuyan, kung saan sa Madre De Dios Chapel sa Tagaytay Midlands gaganapin ang kanilang wedding ceremony.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *